Tingnan ang apat na palapag na modernong bahay ni Pokwang na matatagpuan sa Antipolo

Ipinasilip ni Pokwang sa publiko ang kaniyang bahay noong taong 2012 kung saan ay na feature ito sa Yes! Magazine Team. At sa taong din iyon ay dalawang taon na nang magsimulang ipagawa ng komedyante ang kaniyang tahanan taong 2010 at ang kaniyang interior designer ay si Janet Diquiatco-Torio.


Photo Courtesy: Pokwang | Instagram





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Pasukin natin ang apat na palapag na modernong bahay ng komedyanteng si Pokwang. Ang nasabing tahanan ay mayroong walong kwarto at walong banyo. Ito ay isang patunay na maganda ang naging investment at regalo na nararapat para sa komedyante dahil sa kaniyang sipag at tiyaga sa pagtatrabaho.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Pagpasok mo palang ay bubungad na sayo ang mga maraming koleksyon ni Pokwang, isa na rito ang mga kristal na Swarovski at marami pang iba. Sa ilalim naman ng built-in ledge ay iyong makikita ang isang koi fish figurine, nakangiting Buddha, at isang koi fish painting sa dingding na gawa ni Jef Lorente


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Makikita mo agad ang mapang-akit na kulay ng living area at makakagalaw ka ng maayos dahil sa malawak ito at may komportableng sofa at isa pang upuan at kapansin-pansin din ang mga sining na gawa ni Chico Javier.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ilang hakbang mula sa living area ay ang magandang pinto na may pandekorasyong sunburst na nagpapakita ng walong mahahaba at maiikling sinag na para sa komedyante ay simbolo ng pag-asa at siya ang nag-suggest ng nasabing disenyo.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kainan at kusina naman ng komedyante ay kulay dilaw na nagsilbing tribute sa kaniyang kaibigang si Kris Aquino. May kaniya-kaniyang kwarto ang mga mahal sa buhay ni Pokwang, maging ang anak nitong si Shin na sumakabilang buhay na ay may puwang pa rin sa kanilang tahanan. Matatagpuan sa ikatlong palapag ng tahanan ang kwarto ni Pokwang.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Hindi rin mawawala ang walk-in closet at mayroon din itong prayer room. Mula sa malayo ay makikita mo ang kahanga-hangang ganda ng modernong bahay ng komedyanteng si Pokwang.




Leave a Reply

Your email address will not be published.