Tingnan ang napakagandang tahanan ng mag-asawang Neil Arce at Angel Locsin

Tunay ngang kay saya kapag nahanap mo na ang taong handa mong makasama hanggang sa iyong pagtanda. Walang labis na kagalakan kapag ang taong ito ay ang taong tunay mong iniibig. Tulad nalang nga ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce na kamakailan lang ay nagdiwang ng kanilang pag-iisang dibdib. Simple lang ang naging okasyon na dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan at mga mahal sa buhay.


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube




Bukod sa panibagong pahina ng kanilang buhay bilang mag-asawa, ngayon ay magsasama na ang dalawa sa iisang bahay. Kamakailan lang nga ay ipinasilip nila ang tahanan kung saan sila ay bubuo ng pamilya at ng madaming ala-ala na magkasama.


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube

Ibinahagi nila ito sa kanilang Youtube Channel sa pamamagitan ng isang vlog. Inamin din ng dalawa na hindi naging madali ang paghahanap ng kanilang matatawag na tahanan. Napagplanuhan na nga raw ng dalawa na pansamantalang manirahan muna sa isa sa kanilang tinutuluyang condo units.


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube

Hanggang sa inalok sila ng pamilya ni Neil ng isang bahay kung saan maaari nilang iparenovate. Unang katanungan nga sa kanilang isipan ay kung papaano nila ito magagawang bahay nila. Sapagkat may mga anay na raw sa bahay na iyon, problema sa koneksyon ng kuryente at sa tubig.


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube

Ngunit dahil nga sa pagiging tutok ni Angel lalo na sa mga detalye ng kanilang magiging bahay, ito ay nabago at naging isang napakagandang tahanan. Mamamangha ka sa ganda ng kanilang wooden door na si Chef Claude Tayag pa mismo ang nagdisenyo.


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube





Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube

Pagpasok mo sa kanilang bahay bubungad sa inyo ang isang mesa na gawa sa kahoy. Mapapansin mo rin ang kanilang malawak na living area kung saan may mga bintana na halos madikit na sa kanilang kisame. Ang mga bintana raw na ito ay nagbibigay sa kanilang living area ng natural na liwanag na nagmumula sa araw.


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube

Agaw-pansin din ang napakalaking painting na obra pa mismo ni Jeff Osian. Isang kaibigan daw ng mag-asawa ang nag-rekomenda nito sa kanila, dahil repleksyon daw ito kung ano ang dalawa bilang magkapareha. Matatagpuan din sa kanilang bahay ang isang entertainment area kung saan mayroon itong komportableng mga upuan sa harap ng isang telebisyon. May video games din daw dito para sa mahihilig maglaro.


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube


Photo Courtesy: The Angel and Neil Channel | Youtube

Isa nga raw sa pinakamagandang parte ng lugar na ito ay makikita mo sa likod nito ang berdeng tanawin kung saan mga halamanan ang iyong makikita. Dahil ito sa napakalaking glass window mayroon ang kuwarto.




Leave a Reply

Your email address will not be published.