Ibinahagi ni Mariel Rodriguez na ang isa sa kaniyang mga Dream Job ay ang maging Live Seller

Bilang isang personalidad sa mundo ng show business halos wala ka nang hihilingin pa dahil tila nasa iyo na ang lahat. Lalo na kapag matagumpay ang iyong karera, may masayang buhay, mabuting asawa ay talagang hindi ka na maghahangad pa ng ano pa man.


Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram





Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram

Ngunit totoo nga na iba-iba ang pananaw ng bawat isa. Kung ‘yong iba ay kontento na sa ganoon, may iba naman na may iba pang gustong gawin o may iba pang pinapangarap. Tulad nalang nga artista at batikang TV Host na si Mariel Rodriguez-Padilla na kamakailan lang ay ibinahagi sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang pinapangarap na trabaho ngayon.


Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram


Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram

Ito nga ay ginawa niya sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Instagram account kung saan ay sinagot niya ang ilan sa mga katanungan ng kaniyang mga tagahanga. May katanungan dito na kung hindi raw artista si Mariel ano raw ang kaniyang magiging trabaho kung sakali.


Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram




Hindi naman nagdalawang isip ang aktres at sinabing mag live selling daw siya. Ayon din sa kaniya na ito nga raw ang kaniyang dream job. Dagdag pa niya na nasisiyahan siya sa panunuod sa mga gumagawa nito.


Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram


Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram

Ibinahagi din ng aktres ang naging reaksyon ng kaniyang asawa na si Robin Padilla nang sabihin niya ang kaniyang pinapangarap na trabaho. Ang ginawa raw ni Robin ay sinilip ang kaniyang mga kagamitan na matagal niya nang itinatago at sinabi raw na kung maaari ay i-live selling niya na rin iyon.


Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram

Photo Courtesy: Mariel Rodriguez | Instagram

Sa ibang post naman ni Mariel ibinahagi niya rin at inamin na siya ay mapag-imbak. Sinabi niya rin ito sa kaniyang asawa. Sinabi nga ni Robin na napanuod daw ito ni Robin sa isang “history channel”, ang tawag nga raw sa ganito ay “hoarder”. Tinawag naman ni Robin na hoarder si Mariel at tawang-tawa nga silang dalawa. Sagot naman ng aktres na, matagal na raw siyang hoarder.




Leave a Reply

Your email address will not be published.