Ito ang napakasayang bakasyon ng magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa Palawan

Sa buhay, kadalasan na hinahangad natin ay matapos ang nakakapagod na trabaho at ang magkaroon ng isang mahabang bakasyon. Bakasyon na kasama ang mahal natin sa buhay. ‘Yon bang wala tayo iisipin mag-rerelaks at magpapahinga lang sa ating bakasyon.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram




ngayong nararanasan natin na pandemya, malamang madami diyan na gustong-gusto at sabik na sabik na magbakasyon. Sa ating probinsya, bakasyunan, mga beaches man yan sa ating bansa kahit saan ka pumunta ay talagang ikaw ay mag-eenjoy.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram

Kahit malayo pa nga ang summer ang iba ay talagang nagsipuntahan na sa kaniya-kaniyang pagbabakasyunan. Karamihan nga sa mga personalidad ay ibinahagi ang kani-kanilang bakasyon. Kung saan sila pumunta at kung ano ang mga naging kaganapan sa kanilang pagbakasyun.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram

Tulad na lang nga ng mga batikang aktor na magkasintahan na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano. Kung maalala nga natin ay ikinagulat ng lahat ang kanilang namuong relasyon at naging usap-usapan pa ito.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram

Ngayon ay bukas na ang kanilang relasyon sa publiko at sa kanilang mga tagahanga. Kamakailan lang nga ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang naging bakasyon sa probinsya ng Palawan. Para sa karamihan isa ang Palawan sa mayroong tinatagong ganda ng kalikasan. Sa katunayan naging parte ang Underground River ng Puerto Prinsesa sa Palawan sa tinaguriang “7 wonders of the world”.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram




Sa nasabing bakasyon ng magkasintahan kasama nila ang anak ni Cherry Pie na si Nio Tria na masaya sa buhay pag-ibig ng kaniyang mahal na ina. Sa ibinahagi na litrato ng aktor na si Edu makikita ang ganda ng lugar kung saan sila tumuloy.


Photo Courtesy: Cherry Pie Picache | Instagram


Photo Courtesy: Cherry Pie Picache | Instagram

Ito raw ay magandang sandali para bonding hindi lang ng magkasintahan kung hindi pati na rin ni Edu Manzano at ni Nio Tria. Naging simple lang ang naging caption ni Edu para sa litrato na ito “Heaven on Earth” sabi niya.


Photo Courtesy: Cherry Pie Picache | Instagram


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram

Nagkaroon naman ito ng samu’t-saring reaksyon galing sa mga netizens at kanilang mga tagahanga. Ang iba ay nagbigay ng kanilang pagkasabik at kagalakan, ang iba naman ay nagbigay ng kanilang suporta para sa relasyon ng dalawa.




Leave a Reply

Your email address will not be published.