Kilalanin si Baby Eliam ang anak ng dalawang sikat na personalidad na sina Joyce Pring at Juancho Triviño

Ang anak ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Diyos sa dalawang taong nagmamahalan. Kung dati para sa kanilang dalawa lamang ang mga desisyon nila sa buhay, nagbabago ito sa pagdating ng kanilang anak.


Photo Courtesy: Joyce Pring | Instagram




Hindi na nila alintana ang mga bagay para sa kanilang sarili dahil ang pinagtutuunan na nila ng pansin ay ang kapakanan at kinabukasan ng kanilang anak. Ngunit ano man ang maging hamon sa buhay mag-asawa ay gagawin nila ang lahat para lang sa ikakabuti ng kanilang pagsasama at ng kanilang pamilya.


Photo Courtesy: Joyce Pring | Instagram


Photo Courtesy: Joyce Pring | Instagram

Isa na rito ang mag-asawang Joyce Pring at Juancho Trivino na talaga namang binigyang pansin at pinaghandaan ang isang bagay na magbubuklod sa kanilang pamilya at ito ay ang kanilang tahanan.


Photo Courtesy: Joyce Pring | Instagram

Ayon kay Joyce, noong nagpakasal sila ni Juancho ang una-una nilang inisip ay ang magkaroon ng sariling tahanan. Ang una nilang binigyang pansin sa pagpaplano at pagpapagawa ng kanilang tahanan ay kung malapit ito sa kanilang pinagtatrabahuan at upang matiyak na rin ang kanilang kaligtasan.


Photo Courtesy: Joyce Pring | Instagram




Kaya naman nais ibahagi ng mag-asawa ang ilan sa mga tips kapag ikaw ay bibili o magpapagawa ng bahay. Ayon sa kanila, sa pagpili ng isang tahanan ang una-unang bibigyang pansin ay ang uri ng pamumuhay mayroon kayo at laging uunahin at titingnan kung ito ba ay malapit sa mga bagay na kakailanganin ng iyong pamilya.


Photo Courtesy: Joyce Pring | Instagram

Kaya naman ay hindi naging mahirap sa mag-asawa kung saan sila titira nang biyayaan sila ng napakagwapong anak. Ikinasal sina Juancho Trivino at Joyce Pring noong Pebrero taong 2020 sa Sofitel Philippine Plaza Manila.


Photo Courtesy: Joyce Pring | Instagram

Abot-langit ang kanilang kasiyahan nang isilang ni Joyce ang kanilang unang anak noong Hulyo 2 at pinangalanan nila itong Alonso Eliam. Hindi maikakaila sa physical na appearance ng kanilang anak na talagang nagmana ito sa kagwapuhan at kagandahang taglay ng kaniyang mga magulang.


Photo Courtesy: Joyce Pring | Instagram

Kitang-kita sa mukha nina Joyce at Juancho na masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa at lalo pa itong nadagdagan at nabigyan ng kulay dahil sa kanilang napaka-cute at gwapong anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.