Ito ang munting pasilip ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kaniyang Dream House

Bawat tao ay may pinapangarap, nariyan ang makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng magagarang sasakyan, magkaroon ng lupa at magkakapagpatayo ng sariling bahay, at marami pang iba. Ngunit bago mo makuha ang lahat ng ito ay kailangang pagtrabahuan mo ng may kasamang sipag at tiyaga sa bawat bagay, at napakaswerte mo naman kung nabigyan at natupad mo ng mas maaga ang mga pinapangarap mo.


Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram




Kamakailan lamang ay marami ang humanga sa Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ng magpost siya ng kaniyang larawan at ganun narin ng magbigay siya ng pasilip sa kaniyang bagong bahay sa Instagram account niya.


Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram


Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram

Marami mang beses na nabigo bago makamit ang kaniyang pangarap na maging Miss Universe ay hindi naman ganoon kahirap upang makamit niya ang pangarap na magkaroon ng bagong bahay. Sa isa sa kaniyang larawan ay makikitang nakaupo ito sa harap ng bahay.


Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram


Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram

Samantalang ang isa namang larawan ay kinunan sa loob ng bahay na kitang-kita ang mataas na kisame at maluwang na loob. Ibinahagi rin ni Pia ang kaniyang kagalakan para sa kaniyang personal na project ngayong taong 2022, na maging hands on sa ipinatayo niyang bagong bahay. Natutuwa at nasasabik na siya na ipakita sa kaniyang mga tagahanga ang magiging kalalabasan nito hanggang sa mabuo at matapos ang ipinapagawa niyang bahay.


Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram





Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram

Ang mga nasabing larawan na ibinahagi ni Pia ay bumihag sa puso ng mga netizens at ipinahayag nila ang kanilang paghanga sa comment section. Sa labis na tuwa ni Pia ay ibinahagi at ipinaabot niya naman ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng tagasuporta niya.


Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram

Saad ni Pia, maraming salamat sa pagbigay niyo ng mga mensahe, isa ito sa mga malaking pangarap ko at labis-labis ang tuwang nararamdaman ko.


Photo Courtesy: Pia Wurtzbach | Instagram

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay ipinanganak noong September 24, 1989 sa Stuttgart, Baden-Wurttemberg, West Germany. Kinuronahan siya bilang Miss Universe noong 2015 at siya ang ikatlong Pilipina na nanalo ng titulong Miss Universe, kasunod nina Gloria Diaz, Margie Moran at sinundan ni Catriona Gray pagkaraan ng tatlong taon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.