Ito ang napakasayang Family Vacation sa Finland ng pamilya ni Anne Curtis kasama si Erwan Heusaff at Dahlia

Ngayong araw ating silipin ang masasayang litrato ng pamilya ni Erwan at Anne kasama si Baby Dahlia. Sa panahon ngayon ay marami nang makabagong teknolohiya ang maaari nating magamit upang makunan ang mga magagandang kaganapan sa buhay natin.

Photo Courtesy: Erwan Heusaff | Instagram




Maliban dito ay mas pinadali na din ang pag print at pagbahagi ng bawat magagandang memorya na galing sa ating mga camera. Sa bawat litrato na ibinabahagi natin ay may samut-saring reaksyon na kaagapay mula sa mga makakakita nito.

Photo Courtesy: Erwan Heusaff | Instagram

Lalo na kung ang litrato ay isang magandang larawan ng isang pamilya. Tulad na lamang ng litrato na ibinahagi ng mag-asawang Erwan Heusaff at Anne Curtis-Heusaff kasama ang kanilang napakyut na anak na si Dahlia.


Photo Courtesy: Erwan Heusaff | Instagram

Pinagkaguluhan ang nasabing litrato ng mag-asawa sa social media dahil sa napakagandang tanawin na makikita at nakakaantig na sitwasyon na mayroon ito. Ang mga litrato na ito ay iilan lamang sa mga maraming kaganapan sa bakasyon ng pamilyang Heusaff sa Finland.


Photo Courtesy: Erwan Heusaff | Instagram


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram




Mas naging takaw pansin ang isang litrato na kung saan makikitang nakahalik ang mag-asawa sa pisngi ng kanilang anak na si Dahlia. Kapansin-pansin din ang kaputian ng paligid ng litrato dahil sa snow na naging dahilan upang maging mas dramatic ito.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Ganun pa man ay ramdam na ramdam mo ang init ng pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang anak sa kabila ng malamig na temperature na kung nasaan sila.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Kapsyon ni Erwan sa kanyang litrato na mahirap umano mangyari ang bakasyon na ito. Ngunit sa tulong ng kanyang kaibigan ay naisakaturan din. Umani ang litrato na ito nang isang katutak na positibong reaksyon at paghanga mula sa mga netizens.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Saad ng isang netizens na masaya umano ang kanilang anak na si Dahlia dahil sa bakasyon at oras na kanilang naibigay dito. May iba naman na napa-wow na lang dahil sa ganda ng lugar kung saan nagbakasyon ang pamilya. Sa mga litrato na ito mo mararamdaman ang hindi mapantayang pagmamahal na kayang ibigay ng mga magulang sa kanilang anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.