Neri Naig binilhan ng Yate ang kanyang asawa na si Chito Miranda

Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam ang makatanggap ng isang regalo mula sa iyong pinakamamahal sa buhay. Maliit man o malaki ang naibigay sa atin, pakiramdam natin ay tila nanalo na tayo sa lotto at ating pahahalagahan ang regalong ito.

Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram




Ang pagbibigay ng regalo na ito ay madalas din natin makita na ibinabahagi sa social media ng hindi lamang nating mga ordinaryong tao kundi pati na din ng mga paboritong nating artista. Tulad na lamang ni Neri Naig na asawa ng isa sa mga kilala at sikat na bokalista ng isang banda na si Chito Miranda.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram


Photo Courtesy: Chito Miranda | Instagram

Madalas natin marinig at makita sa social media ang maybahay ni Chito na si Neri na masipag maghanap-buhay para sa kanyang pamilya. Ilang beses na din napabalita na bumili ito ng iba’t ibang mga ari-arian na maaari niyang pagkakitaan ng pera. Tulad na lamang ng condo unit na kanilang pinapaupahan malapit sa isang beach.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram


Photo Courtesy: Chito Miranda | Instagram




Mas ikinagulat ng mga netizens ang bagong pundar ni Neri at regalo na din sa kanyang asawa. Ito ay walang iba kundi isang Yate. Saad ng dating aktres na nagulat umano ang kanyang asawa na si Chito nang ipakita niya ang Yate na binili niya para sa kanyang asawa.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram


Photo Courtesy: Chito Miranda | Instagram

Ayon sa aktres na hindi naman ganoon kalakihan ang yate dahil ito ay mayroong maliliit na silid tulad ng sala, kwarto at banyo. Dagdag pa ng aktres na gagamitin nila ito upang makapagbonding sila ng kanyang pamilya kasama ang kanilang mga kaibigan. Kasabay nito ang hilig nilang gawin, at ito ay ang mag-fishing.


Photo Courtesy: Chito Miranda | Instagram

Aniya ng aktres na may balak din silang mag-asawa na pagkakitaan ang nabili nilang Yate sa pamamagitan ng pagpaparenta nito. Upang mas masulit umano nila ang pera na inilaan pambili ng Yate.


Photo Courtesy: Chito Miranda | Instagram

Maliban sa Yate ay may balak din ang mag-asawa na bumili ng Jetski sa hinaharap. Sa ngayon ay kanila muna itong pagiipunan at pag-iisipan ng mabuti. Marami rin sa mga netizens ang humanga sa husay ng aktres pagdating sa pagnenegosyo at sa pag-invest sa mga iba’t ibang bagay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.