Taglay pa rin ni Antoinette Taus ang natatanging kagandahan ngayong siya ay apatnapung taong gulang na

Lumilipas ang panahon. Habang tumatagal, lahat tayo ay nagkaka-edad. Gustuhin man natin o hindi, at darating at darating tayo sa punto na tayo ay tatanda. At kapag nangyari iyon ay madaming mga pagbabago ang mangyayari sa ating katawan at ating mukha.


Photo Courtesy: Antoinette Taus | Instagram




Isang magandang halimbawa nito ay ang mga nakakatanda. Tulad nalang ng ating mga magulang, tito o tita, at mga lolo at lola. Hindi man natin mapansin ang pagbabago ng iyon ay mapapagtanto natin ito na malaki na pala talaga ang pagbabagong nangyari sa kanila.


Photo Courtesy: Antoinette Taus | Instagram

Mapapansin natin ang kanilang kulubot na mga balat, o ang kanilang pumuputing buhok. Ngunit may mga iilan na maalaga sa kanilang sarili at napapanitili nila ang kanilang kagandahan at postura ng kanilang katawan. Ilan nga sa mga ito ay ang mga personalidad sa show business na kung hindi nila sasabihin ay siguradong magkakamali tayo sa kanilang edad. Tulad nalang ng aktres na si Antoinette Taus na sumikat noong dekada 90’s.


Photo Courtesy: Antoinette Taus | Instagram

Nagsimula nga ang kaniyang karera nang siya ay dalaga pa lamang. Napatunayan niya ang kaniyang talento at husay sa pag-arte nang siya ay sumabak sa mga sikat na teleserye noon tulad nalang nga ng “Anna Karenina”. Isa rin sa talagang pumatok sa kaniyang mga tagahanga ay ang tambalan nila ng kaniyang on and off screen na partner na si Dingdong Dantes na talagang kinakiligan ng madami noon. Ngunit may kaniya-kaniya tayong disesyon sa ating buhay na talaga magpapabago ng takbo ng ating kapalaran.


Photo Courtesy: Antoinette Taus | Instagram




Hindi man niya itinuloy ang takbo ng kaniyang karera, masaya naman siya ngayon na naninirahan sa Los Angeles kasama ang kaniyang pamilya. Nawala man siya sa mundo ng showbiz ngayon masasabi naman natin na tumatak na naging parte na siya ng ating kabataan at tumatak pa sa ating mga puso.


Photo Courtesy: Antoinette Taus | Instagram

Ngayon nga ay hinangaan ng netizens ang kaniyang tela hindi tumatanda na hitsura. Kung iba ay mapapansin mo na sa kanilang hitsura ang kanilang edad, kay Antoinette ay hindi mo mahahalata at malamang magkamali kapa kapag hinuluan mo ang kaniyang edad.


Photo Courtesy: Antoinette Taus | Instagram

Ang dating aktres na ito ay nasa 40 taong gulang na sa kasalukuyan. Hindi mo rin maikakaila ang kaniyang “ageless beauty” dahil napakaganda pa din ng aktres at mukha bata pa. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung mayroon pa ring nahuhumaling sa kaniyang mga kalalakihan ngayon.


Photo Courtesy: Antoinette Taus | Instagram

Sa kaniyang mga ibinahagi mga larawan sa kaniyang social media account makikita ang mga positibong komento ng mga netizens ang kaniyang mga tagahanga. Sabi pa nga ng iba na tila hindi nagbago ang kaniyang mukha mula noon hanggang ngayon.

Sabi naman ng iba na napakaganda nga raw ng aktres at hindi ito kumupas lumipas man ang maraming taon. Dahilan na nga rin siguro nito ng kaniyang tahimik na buhay sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya.




Leave a Reply

Your email address will not be published.