Proud na ibinahagi ni Edu Manzano na engaged na ang kaniyang anak na babae na si Addie

Ang anak ang pinakamagandang regalo para sa mag-asawa. Ito ang bunga ng kanilang matamis na pagmamahalan sa isa’t-isa. Bilang isang magulang, ay wala silang hindi kayang gawin para sa kanilang mga anak at ang tanging hiling at ninanais nila ay ang makitang masaya ang mga ito.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram





Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram

Halimbawa na lamang nito ay ang makakita o makatagpo sila ng taong magmamahal sa kanila tulad ng pagmamahal ng isang magulang. Kaya naman, isa si Edu Manzano sa pinakamasayang ama ngayon. Sapagkat, ang kaniyang anak na si Amanda Danielle o Addie ay ikakasal na. Sa labis na kaligayahan ng ama ay nagawa niya itong i-post sa social media.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram

Makikitang nagbahagi ito ng mga throwback photo niya kasama ang kaniyang anak, kalakip nito ang pasilip na engagement ng kaniyang anak sa nobyo nitong si Jared Glassman. Ang nasabing larawan ay may kasamang mensahe kung saan, sinabi ni Edu na ang kaniyang mahal na anak ay ikakasal sa isang kahanga-hangang lalaki.


Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram




Ayon kay Edu ay sobrang saya niya nang pumunta siya sa New York noong Oktubre upang alamin at saksihan kung gaano kamahal nina Addie at Jared ang isa’t isa. Dahil dito ay malugod nilang tinanggap sa Manzano family si Jared Glassman. Ang tanging hiling at hangad lamang ng aktor sa dalawa ay ang mahalin nila ang isa’t-isa.


Photo Courtesy: Addie Manzano | Instagram

Inanunsyo ni Addie ang kaniyang engagement sa social media noong Enero 2, na nilakipan ng mensaheng, hindi siya makapaniwala na makakahanap siya ng taong magmamahal sa kaniya habang buhay.


Photo Courtesy: Addie Manzano | Instagram


Photo Courtesy: Addie Manzano | Instagram

Para sa kaalaman ng lahat, tinanggihan ni Edu Manzo ang mga alok para sa kaniyang anak na sina Addie at Enzo na pasukin ang mundo ng showbusiness noong taong 2013, ito ay nang makita ang magkapatid sa game show ng Kapamilya Network na “Minute to Win It” sa birthday episode ni Luis Manzano. Si Luis Manzano ay ang nakatatandang anak ni Edu Manzano kay Vilma Santos.




Leave a Reply

Your email address will not be published.