Ika nga ng nakararami hindi paunahan ang pag-aasawa o pagkakaroon ng pamilya. Hindi ito parang kanin na isusubo at iluluwa kapag napaso. Ang pag-aasawa ay isang obligasyon na kailangan mong panindigan. Bago mo pasukin at magdesisyon na magpakasal o mag-asawa kailangang, mentally, physically, emotionally and financially ready ka.
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Kaya naman hindi lang ikaw ang taong napagsabihan na “hindi ka na bumabata, maya maya wala ka na sa kalendaryo kaya kailangan mo nang magpakasal at magkaroon ng mga anak.
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Mismong ang sikat at kilalang aktres na si Bea Alonzo ay nakatanggap rin ng ganitong salita mula sa mga tao sa isang Question and Answer session kamakailan lamang sa pamamagitan ng Instagram stories, kung saan ay tinanong siya tungkol sa kung ano ang kaniyang plano sa pagpapakasal at pagkakaroon ng mga anak.
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Agad namang tumugon si Bea, na ayon sa kaniya ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang oras at kagustuhan sa buhay. Nagpasaring pa ang aktres, aniya “may taxi? at hindi ako nagmamadali”. Dagdag pa niya ay hindi siya nagmamadali at ang pagpapakasal at pagkakaroon ng anak ay hindi isang karera. Naniniwala ang aktres na ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang timeline sa kahit na anong bagay.
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Noon lamang Agosto ng nakaraang taon ay kinumpirma ni Bea ang relasyon nila ni Dominic Roque, na ayon sa kaniya ay gusto niyang ibahagi ang kaligayahang mayroon siya. Kasunod nito ay ibinahagi ni Bea kung ano ang pinaka nagustohan niya kay Dominic, at ayon sa kaniya ay ang paraan ng pagmamahal, pag-aalaga na ibinibigay ni Dominic sa kaniya. Dagdag pa ng aktres na masarap pala talaga ang inaalagaan.
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram
Matatandaan noong nakaraang taon sa isang panayam sa kaniya ng komedyante at vlogger na si Ethel Booba, sinabi ni Bea na mas gusto niyang magkaroon ng anak sa edad na 36 taong gulang. Ngunit, saad niya naman na walang nakakaalam ng kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom o mas kilala ng lahat bilang si Bea Alonzo ay ipinanganak noong Oktubre 17, 1987.