Ipinagdiwang ni Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang ika-unang anibersaryo bilang magkasintahan

Marami na tayong sinubaybayan na mga magkarelasyon na pawang mga personalidad sa show business. Kahit nga ‘yong iba na itinatanggi ang kanilang relasyon ay napapaamin dahil na rin sa kanilang mga masugid na tagahanga na sumusubaybay sa kanilang bawat galaw.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram




Tulad nalang nga ng magkasintahan na sina Dominic Roque at Bea Alonzo na nakaraang taon lang ay naging usap-usapan ang pagkakaugnay ng dalawa. Ang bawat pagkakataon na magkasama ang dalawa ay talagang pinag-uusapan ng mga netizens at talagang kinakikiligan pa nila ito kahit sinabi nila na magkaibigan lamang sila.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Kalaunan nga ay dahil na rin siguro sa kanilang madalas na pagsasama at turingan sa isa’t isa ay naging malalim ang relasyon na mayroon sa kanila hanggang sa inamin na nga nila ang kanilang namumuong pag-iibigan.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Ngayon nga ay muli nilang pinakilig ang kanilang mga tagahanga at mga sumusubaybay sa kanilang relasyon nang ipagdiwang nila ang kanilang ika-unang anibersaryo bilang magkasintahan. Ipinagdiwang nga ng dalawa ang kanilang anibersaryo sa pamamagitan ng pamamasyal sa Pinto Art Museum na nasa Antipolo, Rizal.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram




Ayon pa nga kay Bea na siya ay naka-strict diet ngayon para sa isang proyekto ngayong linggo kung kaya’t hindi maaari ang dinner date na karaniwan nilang ginagawa. Buti nalang daw at naisipan ni Dominic na mag-museum date na lamang muna silang dalawa.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Kasama ng kaniyang post sa kaniyang Instagram account ay nakatanggap din ang aktres ng bouquet ng pulang rosas mula sa kaniyang nobyo. Talaga nga namang kinakiligan din ng husto ng mga netizens ang maikling mensahe ni Bea para kay Dominic na nagsasabing “Being with him is one of the best decisions I’ve ever made”.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Instagram

Ayon pa kay Bea na labis na pasensya raw ang tiniis ni Dominic para makamit kung anong mayroon sa kanilang dalawa ngayon. Binati niya rin si Dominic ng maligayang anibersaryo. Sa kabilang banda naman ay nagbahagi rin si Dominic ng kaniyang mga litrato sa kanilang naging museum date ni Bea.




Leave a Reply

Your email address will not be published.