Ito ang napakasayang bonding moments ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa Rizal

Social media na ang ating paraan upang magbahagi ng mga masasayang pangyayari sa ating buhay. Sa kadahilanan na madali lamang ito ma-access ng kung sino man. Ito din ang nagiging paraan natin upang maitabi ang mga masasayang memorya na nararanasan natin.


Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram





Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram

Madali lang din natin mabalikan ang mga pangyayari na kung saan nakapagbigay sa atin ng lubos na ngiti at pati na din sa mga tao na nakakita nito. Tulad na lamang ng sikat na mag-asawang Matteo at Sarah na nagbahagi ng mga masasayang litrato na magkasama sila habang nagbabakasyon sa Rizal.


Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram


Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram

Ang bawat oras ay mahalaga sa buhay ng isang tao sa bawat segundong lumilipas. Kung kaya napapansin natin sa ating mga iniidolong mga artista madalas nasa bakasyon. Sa kadahilanan na madalas ang mga ito ay busy sa kanilang mga trabaho kung kaya sa maiksing oras ng kanilang pahinga ay naiisipan nila na gugulin ito kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.


Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram





Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram

Ang mag-asawang Matteo at Sarah ay nagawang mag renta ng isang bahay na matatagpuan sa Tanay, Rizal upang mag-enjoy man lang kahit saglit ng walang ibang iniisip at malayo sa kanilang mga trabaho. Kasama nila sa kanilang masayang bakasyon at pagmamasid sa kalikasan ang mga alaga nilang aso.


Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng mag-asawa ang masayang bonding nila habang nakasakay sa kabayo. Ipinamalas ni Matteo ang kanyang galing sa pagsakay sa kabayo habang tumatawid umano ito sa isang ilog at nagawang libutin ang lugar na kanilang pinuntahan.


Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram

Kapansin-pansin din ang sayang walang kapantay sa mukha ng aktres habang nakayakap ito sa kanyang asawang si Matteo. Isang napakagandang karanasan ito para sa mag-asawa na kahit minsan ay nakipag-isa sila sa kalikasan at malayo sa stress ng kanilang pang-araw-araw na buhay sa kanilang trabaho at sa siyudad.


Photo Courtesy: Matteo Guidecelli | Instagram

Marami sa mga tagahanga ng mag-asawa ang masaya sa kanilang mga nakita at kinilig sa bawat litrato na kanilang ibinahagi sa social media.




Leave a Reply

Your email address will not be published.