Ang aktres na si Alice Dixson ay limaput dalawang taong gulang na ngunit taglay niya pa rin ang walang kupas na ganda

Sa buhay ng tao madami tayong hindi kayang kontrolin o hindi kayang pigilan. Isa na nga rito ay ang paglipas ng panahon at ng oras. Lahat tayo ay tatanda, puputi ang buhok at kululubot ang mga balat.


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram




Ngunit kapag tayo ay maalaga at maselan pagdating sa ating sarili, paniguradong mapapanatili natin ang ganda ng ating sarili. Karaniwan na sa mga personalidad sa show business ang maging maalaga sa kanilang mga sarili. Normal na sa kanila ang maging maselan upang mapanatili ang ganda ng hubog ng kanilang mga pangangatawan.


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram

Dahil na rin siguro sila ay mga indibidwal na humaharap sa telebisyon upang magtanghal. Isa na nga rito ay ang batikang aktres na si Alice Dixon. Mula noon hanggang ngayon ay madami pa rin ang mga lalaking nahuhumaling sa kaniya.


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram

Kahit nga ang edad ng aktres ay mahigit singkwentang taong gulang na ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang kagandahan. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit pati mga babae ay talagang humahanga sa kaniyang postura at kagandahan.


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram

Kamakailan lang nga noong nakaraang red carpet premiere ng pelikula ng aktres na si Alice Dixon at Aga Muhlach ay talagang napahanga niya ang mga netizens at nagkaroon pa ng mga iilang katanungan para sa kaniya.


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram




Aminado naman ang aktres na kinikilig siya sa mga papuri sa kaniya ng mga tao. Sinabi rin niya na isang pribilehiyo ang makatrabaho niya ang mga bigating artista tulad nalang nga ni Aga Muhlach. Para sa kaniya rin ay isang comeback ang pelikulang ito sapagkat matagal siyang nawala sa mundo ng showbiz.


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram

Naitanong din sa aktres patungkol sa kaniyang pakiramdam ngayon siya ay nasa higit edad singkwenta na. Wala namang alinlangan ang aktres at sinagot ito. Sabi niya na ganoon pa rin naman daw ang kaniyang nararamdaman mula nang siya ay nasa edad 16, 20, o 30 taong gulang pa man maliban daw sa kaniyang tumatandang katawan.


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram


Photo Courtesy: Alice Dixson | Instagram

Iyon nga lang daw ang tumatanda para sa kaniya pati na rin ang mentalidad ng tao. Pero bilang isang tao at kung sino ka bilang tao magmula noon ay ganoon naman pa rin daw hanggang ngayon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.