Masayang ibinalita ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania na sila ay magkakaroon na ng pang-apat na anak

Marami ang lubos na humahanga sa celebrity-mom na si Iya Villania hindi lang dahil sa kaniyang mga pisikal na katangian kundi dahil na rin sa kaniyang kakayanan na pagsabayin ang trabaho at pag-aalaga sa mga anak nito.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram




Sa katunayan, hindi lang isang anak ang kaniyang inaalagan kundi tatlo. Dalawang sunod-sunod na lalaki ang naging anak ng host at ito ay sina Primo at Leon. Samantala, noong taong 2020 ay sinorpresa nila ang publiko sa isang balita na sa wakas ay magkakaroon na sila ng baby girl.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Magkahalong emosyon nga ang naramdaman ng mag-asawa at tuwang-tuwa sila dahil magkakaroon na ng little sister sina Primo at Leon. Ngunit hindi dito nagtatapos ang pasabog ng pamilyang Arellano dahil nitong nakaraan lang ay kinumpirma ni Iya na buntis siya sa ika-apat nilang anak ng asawa.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Ayon sa kwento ng host mahigit isang taon rin ang nakalipas simula nang manganak siya sa kanilang 3rd baby na si Alana nang malaman niya na nagdadalangtao na naman siya. Noong una ay nagulat ang host dahil hindi niya ito inaasahan na mangyari.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram




Sa katunayan, itinago na muna niya sa sarili ang magandang balita hanggang sa ipinaalam na rin ito sa ilang malalapit na miyembro ng pamilya ngunit inilihim muna sa asawa. Kasabwat ng host ang panganay na anak sa gagawin nilang surprise kay Drew at talaga namang nakakatuwa si Primo dahil kahit kanino ay hindi niya ipinagsabi ang sekreto nilang mag-ina.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Samantala, nag-hike noon ang pamilyang Arellano sa bundok ng Rizal bilang bonding na rin nila at naisipan ni Iya na dito magandang sabihin kay Drew ang tungkol sa kaniyang pagdadalantao.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Habang nagsasalita sa vlog ay lumapit si Drew kay Iya samantalang si Primo naman ay lumapit at nagpakarga. Maya-maya pa ay nagsalita ito at sinabing, buntis nga ang kaniyang Mommy. Kapansin-pansin sa mukha ni Drew na parang hindi siya makapaniwala sa narinig ngunit sa huli ay hinalikan niya ang asawa at masayang-masaya sa bagong balita.


Photo Courtesy: Drew Arellano | Instagram

Doon na rin mismo sa bundok nangyari ang gender reveal ni Iya at ito ay isa na namang baby boy. Tiyak na magiging mas masaya at mas kwela ang Team Arellano kaya naman ganoon nalang ang pagkasabik ng mga netizens sa 4th baby nina Iya at Drew. Ikaw sa tingin mo sino ang magiging kamukha nito?




Leave a Reply

Your email address will not be published.