Masayang ipinasilip ni Kathryn Bernardo ang kaniyang ipinapatayong Dream House

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay marunong na sa buhay at talaga namang naglalaan ng panahon para masiguradong maayos ang kanilang magiging future. Sa katunayan, ang ilan sa kanila ay kayang-kayang pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap ng mapagkakakitaan. Marahil ay ganito nga mag-isip ang mga kabataan ngayon na kilala rin bilang mga “Millennials”.


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram




Isang halimbawa na nga dito ang aktres na si Kathryn Bernardo na naging masinop sa kaniyang mga kinikita sa pagtatrabaho. Sinisigurado niya na ang bawat perang mahahawakan ay magagamit sa mga bagay na talaga namang worth it. Dahil nga dito ay hindi nakakapagtaka na nakapag-umpisa na siyang makapagpatayo ng sarili niyang bahay.


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng aktres ang ilang lugar sa kaniyang dream house at kasama niya habang naglilibot ang ilan sa kaniyang pamilya at mga kaibigan. Hindi rin nito pinalagpas na masubukan ang paghahalo ng semento at napatunayan niyang hindi madali ang ganitong uri ng trabaho.


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga netizens at KathNiel fans dahil makalipas ang halos dalawang taon na paghihintay ay pinaunlakan na rin ni Kathryn ang hiling nilang makita ang lugar kung saan siya titira balang-araw.


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram





Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram

Kapansin-pansin rin ang malawak na compound na maaliwalas at presko sa pakiramdam dahil napapaligiran ito ng mga puno at iba pang halaman. Hanggang dalawang palapag ang ipinapagawang bahay ng aktres at ipinakita rin nito ang isa sa mga favorite spot niya at gustong tambayan.


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram

Matatandaan na noon pang taong 2022 ay ipinasilip na rin ni Kathryn sa publiko ang lugar kung saan niya ipapatayo ang bahay para sa buong pamilya. “March 9, 2020. Day 1. Groundbreaking of our new home. The construction of our dream home has officially begun. I still can’t believe it’s finally happening after 3 years of planning!” caption niya sa isang Instagram photo.


Photo Courtesy: Kathryn Bernardo | Instagram

Talaga namang punong-puno ng sipag at determinasyon itong si Kathryn kaya naman unti-unti na niyang nabubuo ang pangarap hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa pamilya.




Leave a Reply

Your email address will not be published.