Ipinagdiwang ni Ellen Adarna at Derek Ramsay ang kanilang unang anibersaryo bilang couple sa Pangasinan

Matatandaan na noong nakaraang taon ay naging usap-usapan ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Ito ay matapos nilang aminin sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon at sinabi ngang magkasintahan na sila simula pa noong February 21, 2021.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram




Dahil dito ay marami ang napataas ang kilay at hindi mapigilang magpahayag ng komento sa social media ngunit sa kabila nga ng mga ito ay hindi natinag ang dalawa. Sa katunayan, makalipas lang ang isang buwan ay nangyari na nga ang engagement nina Derek at Ellen.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Marami ang hindi makapaniwala dahil sa bilis ng pangyayari ngunit kung tatanungin ang dalawa, sigurado na sila sa isa’t isa. Pinatunayan ito ng celebrity couple na tuluyan ngang nagpakasal noong November 11, 2021 sa Bagac, Bataan.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

At ngayon ngang buwan ng mga puso ay tiniyak ng aktor na makakapag-celebrate sila ni Ellen ng kanilang 1st year anniversary as a couple. Bumyahe sila papuntang Pangasinan at upang mas maging espesyal ang kanilang pamamalagi sa lugar ay pumili si Derek ng isa sa pinaka-magandang lokasyon.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram





Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Ito ay ang Sirom Beach House na matatagpuan sa Tambobong White Beach in Dasol, Pangasinan. Sadyang very relaxing ang lugar at puting-puti talaga ang mga buhangin. Kasama rin ng aktres ang kaniyang anak na si Elias at lagi niya itong kasama saan man siya magpunta.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa kanilang escapade photos at ang isa pa nga dito ay nagtrending. Tinawag nila itong “pasan ko ang daigdig pose” at makikitang nakapatong si Ellen sa mga balikat ni Derek na para bang sobrang gaan lang nito.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Aliw na aliw nga ang mga netizens sa paggaya ng nasabing trending pose at ang ilan naman ay hindi mapigilang humanga sa aktres dahil sa ganda ng kaniyang katawan ay hindi mo aakalaing mayroon na pala itong anak. Talaga namang alam na alam ni Derek kung papaano mapapasaya ang asawa dahil beach ang isa sa mga paboritong puntahan ni Ellen lalo na kung gusto nitong mag-relax kasama ang anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.