Kinabiliban si Maja Salvador sa kaniyang ginamit na sasakyan patungo sa kaniyang trabaho na isang Helicopter

Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang paraan kung paano tayo pumapasok sa ating mga kaniya-kaniyang trabaho. Ang iba ay may sariling sasakyan, iba naman ay nag-cocommute lang, at may iba naman na naglalakad lang dahil na rin siguro malapit lamang ang kaniyang pinagtatrabahuan.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram




Ngunit papaano nga ba kung ang iyong sinakyan papuntang trabaho ay hindi basta-bastang sasakyan, tulad na lang nga ng aktres na si Maja Salvador. Kamakailan lang ay kinabiliban ng netizens ang mananayaw at aktres na si Maja Salvador nang siya ay sumakay sa isang Helicopter patungo sa kaniyang trabaho.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram

Alam naman natin na hindi basta-basta ang magkaroon o makagamit ng isang sasakyang pang himpapawid tulad nalang ng helicopter. Ito ay madalas na ginagamit ng mga mayayamang tao, pulitiko, o ‘yong mga importanteng tao tulad ng isang presidente.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram

Kaya naman napahanga ng husto ang mga netizens nang ibahagi ng aktres ang kaniyang ginamit na sasakyan patungo sa kaniyang trabaho. Bihira lamang ito sa isang personalidad sa showbiz sapagkat madalas na ginagamit ng mga sikat na artista ay ang kanilang mga magagarang sasakyan.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram




Ginawa ito ni Maja sa pamamagitan ng pagpost sa kaniyang Instagram account. Ang kaniyang nasabing post ay kaniyang litrato kasama ang helicopter na kulay itim na siyang ginamit niya sa pagpasok sa kaniyang trabaho. Masasabi mo rin talagang mahilig sa fashion itong si Maja sapagkat sa kaniyang magandang kasuotan noong siya ay sumakay sa helicopter.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram

Ang suot ng aktres ay napakasimple lamang pero masasabi mong ang lakas ng dating. Ang suot niya ay isang simpleng t-shirt na may tatak na “Sporty and rich” na may partner na pantalon. Kalakip naman ng kaniyang post ang maikling caption na “Off to work”. Talagang agaw pansin ang nasabing post ni Maja Salvador na nagkaroon ng samu’t-saring reaksyon at komento galing sa kaniyang mga tagahanga at mga netizens.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram

May mga nagsabi na iwas traffic daw ang kaniyang ginawang pagsakay sa helicopter. May mga nagsabi naman na parang si Kuya Wil daw ang aktres at kung namimigay din ba daw siya ng jacket. Ang iba naman ay nagsabing “Napaka Bonga” daw ni Maja sa kaniyang ginawa.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram

Sa dami ng personalidad sa showbiz ay tila si Maja pa lamang ang nagbahagi ng kaniyang pagpasok sa trabaho sakay ng isang helicopter. Bukod kay Kuya Wil na alam naman natin na ubod ng yaman na sariling helicopter ang ginagamit sa pagpasok sa kaniyang trabaho at makikita natin ang paglapag sa kaniyang Wil Tower.




Leave a Reply

Your email address will not be published.