Nagdesisyon ang aktres na si Cherie Gil na ibenta lahat ng ari-arian sa Pilipinas at manirahan na sa ibang bansa

Masarap mamuhay sa bansang sinilangan, simple ngunit masasabi mong panatag ka dahil kilala mo ang bawat taong nakapaligid sayo, alam mo ang pasikot-sikot dito at masaya dahil kapiling mo ang mga mahal mo sa buhay.


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram




Sa kabila ng lahat ng ito, gustuhin man nating manatili at tumanda sa sarili nating bayan ay may mga pagkakataong lilisanin din natin ito dahil sa mga personal na kadahilanan.


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram

Isa na rito ang sikat na aktres na si Cherie Gil na ipinahayag sa publiko ang kaniyang pag-alis sa bansang Pilipinas upang manirahan sa United States kasama ang kaniyang mga anak. Ito ay kaniyang sinabi kamakailan lamang sa isang panayam sa kaniya sa MEGA magazine.


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram

Makikita sa magazine’s cover ang kaniyang larawan na nagpakalbo ng kaniyang buhok. Sa ulat ng isang kilalang entertainment site, ang nasabing larawan ay may kalakip na paliwanag ng beteranang aktres na ayon sa kaniya, buhok lamang ito at ano man ang mangyari ay tutubo at tutubo pa rin ito.


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram




Ang pagpapagupit ng isang babae ng kaniyang buhok ay isang senyales o palatandaan na ang isang babae ay nasa yugto ng kaniyang paghihinagpis at minsan ay maraming iniisip na mga bagay-bagay. Dagdag pa niya, ito ay isang simbolo din ng kaniyang personal growth.


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram

Ayon naman sa hiwalay na ulat ng isa pang kilalang entertainent site, nabanggit ng beteranang actress sa kaniyang panayam sa MEGA magazine na inamin ni Cherie na ibinenta niya ang lahat nang pag-aari niya sa Pilipinas at lumipat sa New York.


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram

Saad ng aktres, una at higit sa lahat ang kaniyang prayoridad ay matiyak ang kaniyang mental, emotional, at spiritual state. Sinabi rin ng aktres na napapagod na siya sa kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang nararamdamang galit at hindi na siya masaya ay nagawa niyang ibenta ang lahat at nag-impake.


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram

Dagdag pa ng aktres na gusto niyang ganap na mahanap ang kaniyang sarili at malaman kung sino ba talaga siya. Para sa kaniya, ang pagpunta sa ibang bansa ang pagkakataon upang makapagsimula ulit.


Photo Courtesy: Cherie Gil | Instagram

Si Cherie Gil ay isang multi-awarded film at TV aktres. Nakilala siya sa kaniyang ginampanang papel bilang si Lavinia Arguelles sa “Bituing Walang Ningning”.




Leave a Reply

Your email address will not be published.