Ibinahagi ni Kristine Hermosa na wala sa ganda ng iyong asawa ang pagiging Loyal ng isang lalaki

Sino ba naman ang hindi mabibighani sa mala-Diyosang ganda ng dating aktres na si Kristine Hermosa? Siya na nga yata ang isa sa mga pangunahing celebrity crush ng publiko hindi lang dahil sa taglay nitong kagandahan kundi pati na rin sa angkin niyang talento at magandang pag-uugali.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram




Sa katunayan, matatandaan na halos sunod-sunod noon ang mga pelikula at teleseryeng ginawa niya dahil talaga namang in-demand siya sa mga tao. Masasabi ngang sikat na sikat noon si Kristine at maganda ang naging takbo ng kaniyang showbiz career ngunit matapos ikasal sa kasintahan at aktor na si Oyo Boy Sotto ay biglang nag-iba ang priority nito.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Mas pinili nga ng aktres na maging isang full-time mom lalo na at matapos ikasal ay nagkaroon agad sila ng anak. Hindi naging madali ang kaniyang adjustment period pero sinikap nitong magampanan ng maayos ang responsibilidad bilang isang ina at asawang babae. Sa katunayan, sa isang vlog interview with Toni Gonzaga ay talaga namang puring-puri siya ng asawa na si Oyo Boy.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram




Samantala, napag-usapan naman kung papaano nila napapanatiling masaya at matatag ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa sa kabila ng mga hindi maiiwasang pagsubok sa relasyon. Parehas lang ang sagot nina Kristine at Oyo at ito ay walang iba kundi gawing sentro ang Diyos sa lahat ng kanilang ginagawa at mga desisyon.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Ayon pa sa aktres hindi basehan ang ganda ng isang babae para hindi magloko ang kaniyang ka-relasyon lalo na kung wala itong maayos na pagkakilala sa Diyos. “Sabi mo, ‘Tin, wala sa ganda yan. Kahit maganda ang isang babae, kayang kaya pa rin manloko ng isang lalaki.”, pahayag ng aktres sa host na si Toni Gonzaga.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Kahit nga si Oyo Boy ay aminado na may mga pagkakataon na hindi maganda o nakakairita ang tingin niya sa asawa pero dahil nga mayroon silang commitment na “for better or for worst” ito ang mas nanaig kaysa sa mga hindi nila pagkakaunawaan.


Photo Courtesy: Kristine Hermosa | Instagram

Malaking tulong din ang panalangin sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa dahil para nga sa aktres ang Diyos na ang bahala sa kanila ni Oyo. Talaga namang nakaka-inspire ang love story ng dalawa na ngayon ay mayroon ng limang anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.