Isang ganap nang dalaga ngayon si Kendra Kramer na mayroong mala-Ms. Universe na kagandahan

Pinagkakaguluhan ngayon ng mga netizens ang panganay na anak ng mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia. Ilang buwan nalang kasi ay magiging teenager na ito at talaga namang kapansin-pansin ang malaking ipinagbago sa mukha nito at pisikal na anyo.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram





Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Kung noon ay medyo chubby pa ang kaniyang pangangatawan, ngayon ay naging balingkinitan na ito at malaki rin ang naidagdag sa kaniyang tangkad na tila ba nagmana siya sa kaniyang Daddy na isang basketbolista. Samantala, hindi pa rin nawawala ang pagiging kikay ng dalaga na talaga namang suportado ng kaniyang Mommy Cheska.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Sa katunayan, sa ilang vlogs nga ay makikitang sinusubukan ni Kendra ang lahat ng gamit ng aktres magmula sapatos, damit, bag pati na rin make-up. Lumalaki ngang blooming ang panganay na anak ng celebrity couple kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang nakapansin sa kaniyang taglay na ganda.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Sa katunayan, ang ilan nga sa mga artists ay ginawan pa ito ng drawing portraits at talaga namang nag-viral ang ilan sa mga pictures na ibinahagi ng kaniyang Daddy. Samantala, kahit ang mga kilalang personalidad sa pageantry ay sinabing malaki ang potential ng bata para maging next beauty queen.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram




Ang ilang netizens naman ay sinabi pang kamukha niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray si Kendra. Kung titingnan kasing mabuti, mayroong anggulo na magkahawig ang dalawa sa hugis ng kanilang mukha pati na rin ang mata, ilong at labi nila.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Maliban dito, tuwang-tuwa ang mga netizens dahil sa ipinapakitang confidence nito sa pagharap sa camera kaya naman nasabi ng karamihan na si Kendra ay “beauty and brainy” pa.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Samantala, simula pa noon ay all-out support na ang mga magulang ng dalaga sa mga bagay na gusto niyang subukan tulad nalang ng mga extra-curricular activities sa school.


Photo Courtesy: Kendra Kramer | Instagram

Kaya naman kung tatanungin sina Doug at Cheska ay siguradong game na game din ang mga ito kung sakali mang magdesisyon ang anak na sumali sa pinaka-malaking pageant event sa buong mundo.




Leave a Reply

Your email address will not be published.