Ito ang bagong bahay ni Toni Fowler na mala-palasyo ang laki at disenyo

Hindi mawawala sa pangarap ng isang tao ang magkaroon ng sariling tahanan. Kung kaya ginagawa natin ang lahat upang makamit natin ang mga pangarap na ito. Tulad na lamang ng mga kilalang Vlogger na ating inaabangan at hinahangaan. Karamihan sa kanila ay nagsimula din sa wala at mga ordinaryong mamamayan lamang.


Photo Courtesy: Toni Fowler | Instagram





Photo Courtesy: Toni Fowler | Youtube

Dahil sa kanilang taglay na galing sa pag entertain ng mga tao ay nakilala sila sa mundo ng Vlogging. Ito ang naging daan nila upang umangat sila sa buhay at magkaroon ng sapat na salapi na ginamit nila pambili ng mga ari-arian tulad ng bahay.


Photo Courtesy: Toni Fowler | Instagram


Photo Courtesy: Toni Fowler | Youtube

Tulad na lamang ng isa sa mga sikat at inaabangan na vlogger ng nakararami at ito ay walang iba kundi si Toni Fowler. Bumili ang nasabing Vlogger ng hindi lamang ordinaryong tahanan kundi isang palasyo at tinatawag niya itong “Toro De Palacio”.


Photo Courtesy: Toni Fowler | Instagram


Photo Courtesy: Toni Fowler | Youtube

Mala-palasyo ang disenyo na hango sa mga imprastraktura na makikita sa Roma. Pagpasok na pagpasok sa gate ay mayroon itong napakaluwag na garahian na kakasya ang halos tatlong malalaking sasakyan.


Photo Courtesy: Toni Fowler | Youtube




Samantala bubungad agad sa iyo sa pagpasok sa main door ang napakahabang hagdanan papunta sa ikalawang palapag.


Photo Courtesy: Toni Fowler | Youtube

Ang palasyo na ito ay mayroong magandang sala na napapalibutan ng classic na kagamitan. Ngunit may ibang balak ang vlogger at ito ay gawing dance studio para sa kanyang anak na babae na si Tyronia.


Photo Courtesy: Toni Fowler | Youtube

Kahanga-hanga naman ang laki at ganda ng pagkakagawa ng kusina at dining area ng bahay samahan pa nito nang napakahabang lamesa na kakasya ang sampong katao. Maliban sa kainan ay balak din niyang gawin itong meeting area at ang kusina naman ay tech area. Kung saan doon niya ilalagay ang mga tao na gagawa ng kanyang mga Vlog.


Photo Courtesy: Toni Fowler | Youtube

Nakalaan naman ang isang bahagi ng bahay para doon maglaro ang anak niya na si Tyronia. Ang palasyo na ito ay mayroon ding Mini Pool na matatagpuan sa ikalawang palapag ng bahay. Saad ng vlogger na tamang tama ito sa kanyang anak dahil pangarap umano nito na magkaroon ng sariling kiddie Pool.


Photo Courtesy: Toni Fowler | Youtube

Pagdating naman sa likod ng kanyang palasyo ay balak naman niya itong gawing Gym at event place na din para sa pamilya, katrabaho at kaibigan ng vlogger. Marami sa mga netizens ang natuwa sa biyaya na natanggap ng kanilang idolo. Nagpahatid din ang mga ito ng congratulatory message para sa vlogger.




Leave a Reply

Your email address will not be published.