Niregaluhan ni Edgar Allan Guzman ang kaniyang magulang ng House and Lot bilang pasasalamat sa lahat ng kanilang sakripisyo

Bilang isang anak walang kasing saya ang maibigay natin sa ating mga magulang ang kanilang mga pinapangarap, materyal man na bagay o hindi. Sa katunayan pa nga ang makapagtapos pa lang tayo sa pag-aaral ay hindi na matutumbasan ng kahit na anuman ang ligayang kanilang mararamdaman.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram




Isa rin sa mga pinapangarap ng magulang natin para sa atin ay ang makita nilang matagumpay sa buhay ang kanilang mga anak. Kaya naman bilang isang anak hindi man natin responsibilidad ang ating mga magulang, kapag mahal natin sila ay hindi tayo magdadalawang isip na ibalik ang lahat ng sakripisyo at paghihirap na kanilang ginawa para sa atin sa kahit na anong paraan.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram

Karaniwan sa ating mga pinoy lalo na kapag tayo ay galing sa hirap o lumaking simple lang ang pamumuhay. Isa sa ating magandang maireregalo para sa ating mga magulang ay ang mabigyan natin sila ng kanilang sariling bahay at lupain.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram

Tulad nalang nga ng aktor na si Edgar Allan Guzman na kamakailan lang ay ibinahagi ang kaniyang iniregalo para sa kaniyang ina. Binigyan niya lang naman ang kaniyang magulang ng sariling bahay at lupain.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram

Isa nga ito sa pinaka-pinapangarap ni Edgar mula pa noon. Ibinahagi nga ng aktor ang kaniyang ginawang pag-surpresa para sa kaniyang ireregalo sa kaniyang ina. Hindi naman maitago ng kaniyang ina ang kaniyang labis na tuwa at naiiyak pa na parang hindi makapaniwala sa ibinigay ng kaniyang anak.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram

Hindi man ito hiniling sa kaniya ng kaniyang ina, isa na rin ito sa paraan ng kaniyang pagpapasalamat para sa lahat ng ginawa ng kaniyang magulang para marating kung ano at sino siya ngayon. Makikita ang pangyayari na ito sa kaniyang Instagram account.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram




Mayroon naman itong kalakip na caption na nagsasabing, isa raw iyon sa mga sandali ng kaniyang buhay na hindi nabibili ng pera. Dagdag pa niya na para sa kaniyang ina nga raw ang lahat ng iyon at sinabi niya pa na “AKO NAMAN, MA” na tila bumabawi siya bilang anak.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram

Sa magkaibang post naman makikita ang litrato nila ng kaniyang ina at kasama ang iba pa nilang mga kapamilya na may kalakip na caption. Sabi niya na “Dream come true” na para bang isa ito sa matagal niya nang pinapangarap para sa kaniyang magulang.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram

Hindi naman mawawala ang reaksyon at komento hindi lang ng kaniyang mga tagahanga kung hindi pati na rin ng mga malalapit niyang kaibigan. Pati ang kaniyang kasintahan na si Shaira Diaz ay nagbigay din ng kaniyang komento na nagsasabing masaya siya para kay Edgar.


Photo Courtesy: Edgar Allan Guzman | Instagram

Pati rin mga kasamahan niya sa industriya ng showbiz ay hindi napigilan magbigay ng komento. Karamihan ay masaya, ang iba naman ay naantig at naiyak pa, proud na proud naman ang iba para sa nakamit ni Edgar at madami pang iba.




Leave a Reply

Your email address will not be published.