Marami ng mga nauusong disenyo at klase ng bahay ngayon na talaga namang magaganda at masasabi mong masarap tirahan. Ang karamihan nga sa kanila ay hindi ganoon kamahal at pwedeng-pwede mabuo gamit lang ang mga recycled materials. Isang halimbawa nito ang kamakailan lang ay nag-trending na “tiny house” sa Davao City.
Photo Courtesy: Victoria and Gerry Evangelista | House Owner
Pagmamay-ari ito ng mag-asawang Victoria at Gerry Evangelista na sila ring may-ari ng mga negosyong Bioskin Philippines at ng Bec and Geri’s sa nasabing lugar. Ayon sa dalawa nagsimula ang kanilang plano noong nakaraang taon dahil sa wala silang magawa sa bahay dulot na rin ng malawakang pandemya.
Photo Courtesy: Victoria and Gerry Evangelista | House Owner
Naisip nilang maglagay ng maliit na bahay sa kanilang bakanteng lote at gusto nila itong gawing kakaiba. Environment-friendly ang pinaka-konsepto ng mag-asawa para sa kanilang planong bahay kaya naman nagdesisyon silang gumamit ng mga walang lamang container vans na mayroong sukat na 20 at 40 feet.
Photo Courtesy: Victoria and Gerry Evangelista | House Owner
Pinagpatong nila ang dalawa at ang maliit ay inilagay sa taas. Mayroon itong dalawang kwarto, dalawang palikuran at dalawang kusina, isang nasa loob, ang isa naman ay nasa labas. Maliban dito, kapansin-pansin ang magagandang halaman sa paligid pati na rin ang mini-terrace na gawa sa kahoy at mayroon pang duyan.
Perfect talaga ito para sa mga taong gustong mag-relax at makapagpahinga matapos ang mahabang trabaho. Samantala, sa loob naman ng “tiny house” ay makikita ang ilang nakaka-aliw na art work tulad nalang ng rainbow painting sa pader.
Photo Courtesy: Victoria and Gerry Evangelista | House Owner
Saktong-sakto nga ang lugar na ito para sa AirBnB ngunit ayon kay Victoria na CEO ng kanilang kompanya, hindi na nila ito binuksan sa publiko dahil ginagamit rin nila ito kapag mayroong mga company meeting at ibang gatherings.
Photo Courtesy: Victoria and Gerry Evangelista | House Owner
Sa katunayan, pinapayagan rin nila na mag-stay dito ang pamilya ng kanilang mga staff para sa mini-parties o di kaya naman ay sleepovers. “Pinakamagandang ginawa namin dito sa facility namin ay nai-share namin sa mga empleyado namin.”, dagdag pa ni Bec.
Photo Courtesy: Victoria and Gerry Evangelista | House Owner
Talaga namang successful ang naisip ng mag-asawang Victoria at Gerry dahil hindi lang sila nakagawa ng kakaibang rest house para sa pamilya, nakatulong pa sila sa kanilang mga empleyado na very loyal sa kanilang kompanya.