Ibinahagi ni Lovely Abella kung gaano kalaki ang naitulong ng kaniyang paglive selling upang mapatayo ang kanilang Dream House

Malaki ang saya ang ating mararamdaman sa tuwing may makakamit tayo sa ating mga pangarap. Lalo na kung ang pangarap na iyong nakamit ay magkaroon kayo ng iyong pamilya ng sariling bahay. Malaking kaginhawaan ang mararamdaman ng isang pamilya kung mayroon silang sariling bahay.


Photo Courtesy: Lovely Abella | Instagram





Photo Courtesy: Lovely Abella | Instagram


Photo Courtesy: Lovely Abella | Instagram

Sa kadahilanan na hindi na umano mag-iisip sila sa tuwing sasapit ang buwan kung magkano ang ibabayad sa upa ng inuupahan nilang bahay. Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay nakakatulong din sa pag-iipon ng mag asawa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. Kung kaya hangga’t maaari maganda magkaroon ng sariling bahay.


Photo Courtesy: Lovely Abella | Instagram

Tulad na lamang ni Lovely Abella at ng kanyang asawa na si Benj Manalo na nagsumikap upang makapundar ng sarili nilang bahay. Matagal na din ang panahon na lumipas nang una nating mabalitaan na ikinasal na silang dalawa. Nagbahagi na din sila ng kwento kung ano ang kanilang napagdaanan na kanila din nalagpasan na nagbigay sa mga netizens ng lakas ng loob upang makamit ang kanilang mga pangarap.


Photo Courtesy: Lovely Abella | Instagram




Nito lamang nakaraang taon ay napabalita na natapos na ang bahay na pinapagawa ng mag-asawang Lovely at Benj Manalo. Ang nakakahanga dito ay malaki ang naging parte o naitulong ng live selling na ginagawa ni Lovely sa pagpapagawa ng kanilang bahay.


Photo Courtesy: Lovely Abella | Instagram

Nagsimula ang pag live selling ni Lovely noong kasagsagan ng pandemya na kung saan halos lahat ng industriya ay natigil sa kanilang operasyon. Noong una saad ng aktres ay nahihiya pa umano siya gawin ito ngunit dahil sa pangangailangan ay nilakasan na lang umano niya ang kanyang loob.


Photo Courtesy: Lovely Abella | Instagram

Sa awa ng diyos ay hindi naman siya napabayaan kundi mas biniyayaan dahil naging successful siya sa napasok niyang online business. Naimpluwensyahan din nang nasabing aktres ang iba din niyang co-star tulad nina Betong Sumaya at Chariz Solomon.


Photo Courtesy: Lovely Abella | Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Lovely sa kanyang mga ka co- star dahil sa walang sawang pagtulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang live selling. Madami man ang napagdaanan nilang mag-asawa sa huli ay kanila naman ito nalagpasan at nakapundar na din sila ng kanilang pinapangarap na bahay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.