Silipin ang napakagandang disenyo ng Laundry Area nila Neri Naig sa Miranda’s Residence

Isa sa mga pinakamahalaga na gawaing bahay na talagang nagbibigay ng malaking oras na makokonsumo sa araw mo ay ang paglalaba. Isa nga rin ito sa pinaka-nakakapagod na gawaing bahay para sa atin. Sa katunayan ang iba nga siguro sa atin kapag naririnig ang salitang “paglalaba” ay napapagod na o tinatamad na.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram





Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Karamihan sa ating ilaw ng tahanan, kusina ang kanilang paboritong tambayan lalo na sa mga mahihilig magluto. Sapagkat dito sila nalilibang at dito rin nila naipapakita ang kanilang pagiging malikhain. Ngunit ibahin niyo itong si Neri Miranda, asawa ng batikang mang-aawit na si Chito Miranda.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Bukod sa mayroon silang magandang bahay, hindi rin maikakaila na maganda ang kaniyang plano para sa kanilang laundry area o yong lugar kung saan sila naglalaba. Sa katunayan ay instagramable pa nga ang lugar na ito. At kung ako ng tatanungin masasabi kong masarap tumambay sa lugar na ito.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Sa gitna ng pandemya at pagiging buntis ng dating aktres at wais misis na si Neri Naig-Miranda hindi ito naging hadlang para siya ay panghinaan ng loob. Sa katunayan ay patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho at naka pokus ang atensyon sa kaniyang ginagawang “Glass house” project.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram




Sa kaniyang Instagram account nga ibinahagi niya ang update sa kaniyang ngayong ginagawa na Laundry area. Sinabi niya rin ang kaniyang mga plano para sa kaniyang Laundry area, sabi niya na gusto niya na maayos at kompleto na.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Maayos daw na sampayan, drawers, malaking lababo para sa paghugas ng kamay, plantsahan, at iba pa. Gusto niya rin yong pwedeng tambayan ang kaniyang Laundry area dahil ito ay malinis, maaliwalas at mabango.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Ibinahagi rin ni Neri ang interior design ng magiging Laundry area nila. Sinabi niya pa na “parang ang sarap maglaba”. Kung makikita mo rin ang kaniyang ibinahaging litrato masasabi mo na para perpekto na ang lahat at wala ka nang hahanapin pa. May bubong na rin para kahit umuulan ay maaari pa ring maglaba.

Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Ayon din kay Neri na gusto niya talaga sa isang bahay ang puro puti na kulay. Tapos lalagyan lamang ng kaunting kulay itim ngunit hindi pa rin mawawala yong pagka farm na design.




Leave a Reply

Your email address will not be published.