Ibinahagi ni Heart Evangelista ang kaniyang napakagandang Birthday Party na may Black and White Theme

Ano man ang okasyon na dumating at dumaan sa ating buhay, ang ating kaarawan ang hinding-hindi natin makakalimutan. Ito ay napaka-espesyal na araw ng taon dahil minsan lang o isang beses lang sa isang taon natin ipinagdiriwang ang ating kaarawan. Malayo pa lang ay nakaplano na kung ano ang mga posibleng mangyayari.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram





Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ang paggunita natin sa ating kaarawan ay mahalaga dahil ito ang magpaparamdam sa atin kung gaano tayo ka-espesyal at kamahal ng mga taong nakapaligid sa atin. May kaniya-kaniya tayong tema at pakulo na gusto nating gawin tuwing sasapit ang ating kaarawan.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

May mga pagkakataon na ang kaarawan ng mga iilang tao ay pumapatak sa mahahalagang okasyon din na ipinagdiriwang ng lahat. May mga taong ipinangak sa mismong araw ng pasko, bagong taon o maging araw ng mga puso.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Napakaswerte naman ni Heart Evangelista dahil nagkataong ang kaniyang kaarawan ay ang araw din kung kailan natin ginugunita ang araw ng mga puso, Pebrero 14. Nitong Pebrero 14, 2022 ay ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-37 kaarawan. Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Heart ang ilang mga pasilip sa kaniyang napakagandang birthday party na dinaluhan ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Kitang-kita sa mga larawan na kaniyang na-upload na ang tema ng kaniyang birthday party ay black & white. Lalong lumabas ang ganda at alindog ng katawan ni Heart sa suot niyang napakagandang dress na black and white at agaw atensiyon ang kulay puting laso nito.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Nag-post din siya ng isang napaka-sweet na larawan nila ng kaniyang asawang si Chiz Escudero na kung saan ay nagbahagi sila ng halik sa isa’t isa. Si Heart Evangelista ay isang sikat na aktres, endorser at vlogger.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Bukod sa kaniyang mga proyekto sa pelikula at telebisyon aktibo rin si Heart bilang isang celebrity sa social media. Kasal siya sa isang politikong si Chiz Escudero, ang kasalukuyang gobernador ng Sorsogon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.