Natanggap na ni Hidilyn Diaz ang kaniyang Condo Unit sa Eastwood City na nagkakahalaga ng 14-M pesos. Ano mang hamon nang buhay, huwag mong susukuan. Kasi, kapag sumuko ka sa ano mang laban, talo ka.
Photo Courtesy: Hidilyn Diaz | Instagram
Natatandaan niyo pa ba si Hidilyn Diaz? Kasabay ng kaniyang kagustuhang manalo ay ang mga pagsubok at balakid sa kaniyang karera. Ngunit ang lahat ng ito ay kaniyang naging inspirasyon, sandalan at sandata upang huwag sumuko sa hamon ng buhay.
Photo Courtesy: Hidilyn Diaz | Instagram
Kaya naman, noong Hulyo 26, 2021 ay inanunsyo siya bilang isang kauna-unahang Pilipinang nanalo ng Olympic gold medal para sa bansang Pilipinas at isa rin siyang Olympic weightlifting record holder sa pamamagitan ng pagkapanalo sa women’s 55 kg category para sa weightlifting sa 2020 Summer Olympics.
Photo Courtesy: Hidilyn Diaz | Instagram
Lahat ng kaniyang hirap at pagod ay nasuklian nang bigyan siya ng isang condominium unit na matatagpuan sa 47-storey sa One Eastwood Avenue mula kay Dr. Andrew L. Tan at property giant Megaworld bilang isang regalo sa kaniya matapos bumalik sa bansa.
Photo Courtesy: Hidilyn Diaz | Instagram
Ang nasabing unit ay kumpleto na, may mga muwebles at mga kagamitan. Kaya naman, ang kailangang gawin ni Hidilyn at ng kaniyang pamilya ay magdala na lamang ng kanilang mga damit at iba pang personal na gamit.
Photo Courtesy: Hidilyn Diaz | Instagram
Photo Courtesy: megaworld lifestylemalls | Website
Ayon kay Kevin L. Tan, chief strategy officer, Megaworld, and son of the real estate magnate ay nasasabik at nagagalak silang i-welcome si Hidilyn at ang kaniyang pamilya at maging ang mga mahal nito sa buhay sa Eastwood City.
Photo Courtesy: megaworld lifestylemalls | Website
Photo Courtesy: megaworld lifestylemalls | Website
Dagdag pa niya ay nararapat lamang na bigyan siya ng gantimpala dahil sa labis na pagmamalaki sa ating bansa at lubos na pagsusumikap na ibandera ang ating bandila sa ibang bansa.
Photo Courtesy: megaworld lifestylemalls | Website
Photo Courtesy: megaworld lifestylemalls | Website
Makikita rin sa unit na ibinigay kay Hidilyn ang dalawang painting na gawa sa charcoal ni John Ken Gomez tungkol sa makakasaysayan at emosyonal na sandal ni Diaz sa Tokyo Olympic. Ayon kay Gomez, ang kwento ng pagkapanalo ni Hidilyn ay isang malaking inspirasyon para sa maraming Pilipino.