Moving on stage na si Trina Candaza matapos ang nangyaring hiwalayan nila ng aktor na si Carlo Aquino

Isa sa mga inaabangan ng mga netizens ay ang pamilya ng aktor na si Carlo Aquino at ng kaniyang non-showbiz partner na si Trina Candaza. Maliban kasi sa kanilang mga sweet moments sa social media ay napaka-cute din ng kanilang baby na si Mithi.


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram




Sa katunayan, madalas itong kasama sa kanilang mga vlogs at halos kilala na rin ng kanilang mga followers. Maganda nga ang naging relasyon ng dalawa sa kabila ng pagkakaroon nila ng magkaibang mundo kaya naman ang ilang netizens ay napapa-sana all nalang. Ngunit biglang nagulo ang social media sa mga kakaibang post ni Trina sa kaniyang Instagram kamakailan lang.


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram

Matatandaan na lagi siyang vocal sa kaniyang mga nararamdaman at kapag nakakakita nga ng mga “below the belt” comments ng mga netizens ay talaga namang sinasagot niya ito.


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya pag wala ka na sa kanya…”, post ni Trina noong nakaraang buwan ng Enero na siyang nagdulot ng usap-usapan sa social media.


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram

Kasabay pa nito ang isang vlog na nagpapakitang lumipat na sila ng bahay ng anak na si Mithi dahil mas malapit ito sa kaniyang paaralan. Samantala, sa kaniyang vlog ay nabanggit rin ni Trina na sinusundo ng aktor ang kanilang anak at kanina pa ito nag-aantay sa lobby.


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram




Nag-kwento din ito na hihiramin lang saglit ni Carlo ang anak at babalik din naman sila maya-maya. Para sa kaniya okay na rin ang ganitong set-up dahil mas makakapag-focus siya sa kaniyang trabaho dahil may oras na iba ang humahawak kay Mithi.


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram

Maliban dito ay marami rin ang nakapansin na walang family photo sina Carlo at Trina noong nakaraang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon. Ito ay isang indikasyon lang na hindi na maganda ang kanilang relasyon lalo na at nakasanayan na ng mga netizens na makita sila na laging may picture na magkasama.


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram


Photo Courtesy: Trina Candaza | Instagram

Sa kabila ng lahat ng ito ay nananatiling tahimik ang parehong kampo ng dalawa at wala sa kanila ang nagsabi kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Ang mahalaga nga ngayon para kay Carlo at Trina ay ang relasyon nila sa kanilang nag-iisang anak na si Mithi.




Leave a Reply

Your email address will not be published.