Ipinasilip ni Maja Salvador ang kanilang napakagandang Family House na punong-puno ng memorya

Ang makapagpatayo at magkaroon ng sariling bahay ang siyang una nating pinapangarap. Aminin man natin o hindi, bata palang tayo ay nakaukit na sa ating isipan ang magiging disenyo ng ating bahay. Ang bahay ang unang pundasyon ng pamilya, sapagkat ito ang nagiging daan ng pagmamahalan, pagkakaisa at pagbubuklod ng pamilya.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube




Kaya naman, sa tuwing makakakita tayo ng mga iba’t ibang disenyo ng bahay ay mangha na mangha tayo. Ito man ay maliit o malaki, gawa man sa bato o kahoy ay talagang hinahangaan natin. Ating silipin ang tahanan ng isa sa pinakasikat at magaling na aktres na si Maja Salvador.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube

Kamakailan lamang ay pinagbigyan ni Maja ang kahilingan ng kaniyang mga tagahanga na masilayan ang bahay nito. Ito ay mapapanuod sa isang vlog na kung saan ay kaniyang nai-upload sa channel nitong “Simply Maja”.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube

Ang nasabing bidyo ay pinamagatang “Welcome to Casa Andres”, kung saan ay mainit na tinanggap ni Maja ang kaniyang mga tagahanga sa kanilang family home.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube




Ayon sa aktres, ay marami siyang ala-ala sa kanilang bahay. Madami na rin ang naging mukha ng kanilang family home dahil ilang beses na itong pina-renovate at pinagawa.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube

Sinabi rin ni Maja na matagal na rin siyang hindi nakatira doon, ngunit dahil sa lockdown ay nagpasya siyang manatili na lamang muna dito kasama ang kaniyang kapatid, na tanging ito na lamang ang nakatira sa bahay. Itinampok din sa nasabing video si Miah Gomez ang interior designer ng kanilang family home.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube

Upang maiwasan ang banta ng kahit na anong karamdaman na pwedeng makuha ng pamilya lalo na sa problema na ating kinakaharap ngayon, kaya naman ipinakita rin ni Maja ang health protocols nila. Bago pumasok sa bahay, kailangan munang maghugas ng paa at magsuot ng kaniya-kaniyang tsinelas.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Youtube

Kilala si Maja Salvador bilang isang magaling na aktres, recording artist, at product endorser. Ngunit mas nakilala at sumikat dahil sa kaniyang angking galing sa pagsayaw kaya naman binansagan siyang “Queen of the Dance Floor”.




Leave a Reply

Your email address will not be published.