Ito ang mala-resort na tahanan ni Willie Revillame na ipinatayo sa napakagandang lugar ng Tagaytay

Kilala si Willie Revillame bilang isang magaling na tv host, komedyante, mang-aawit at negosyante. Sa tagal na niyang nagtatrabaho ay hindi malabong marami na siyang naipong pera at naipundar na mga ari-arian.


Photo Courtesy: Willie Revillame | Instagram





Photo Courtesy: Willie Revillame | Instagram

Dagdag naman sa kaniyang naipundar na ari-arian ay ang isang bahay na matatagpuan sa Tagaytay. Ito ay may malawak na bakuran at infinity pool, at hindi lang iyan, dahil sa pwesto ng kaniyang bahay ay mararamdaman mo ang relaxation at ganda ng kalikasan.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang nasabing bahay ay naipatayo sa tatlong lote na binili ni Willie ilang taon na ang nakararaan. Ang disenyo ng bahay ay inspirasyon mula sa Bulgari Hotel and Resort sa Bali, Uluwatu, Indonesia.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Kung titingnan mo ang kabuuan ng bahay mula sa labas, ay mamamangha ka sa ganda nito at taas ng pagkakagawa na yari sa salamin ang bintana at pintuan. Maliban dito ay makikita mo rin sa labas ang malawak na open dining area kung saan ay tamang-tama para sa mga gaganaping okasyon.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Mayroon itong two dining sets mula sa Dedon’s Play collection na kayang mapaunlakan ang 20 katao. Ang daanan naman papasok sa bahay ay may nakalagay na LED-illuminated chairs, lamesa at bar area.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang unang palapag ng bahay ay mayroong open layout, na may coved ceiling na naghihiwalay sa living at dining area. Sa living area ay mayroong top-notch entertainment system.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Mayroon din itong Superarchimoon outdoor floor lamp, isang collaboration sa pagitan ng Dedon at Flos lightning system, at isa pang dinisenyo ni Philippe Starck. Makikitaan ang magagandang seating piece mula sa Dedon’s Seashell collection na dinisenyo ni Jean Marie Massaud.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa dining area naman makikita ang Where Chair na pinares na 10 Who Chairs na mula sa Italian brand na Molteni & C complete. Hindi naman mawawala ang dalawang powder rooms, isa para sa mga lalaki at isa rin para sa mga babae na matatagpuan sa unang palapag ng bahay.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Mayroon din itong entertainment room, gym, sauna na magbibigay ng kaginhawaan sa pamilya. Sa subrang laki nito, mayroon itong guest, family, at master bedroom na lalong gumanda dahil sa mga furniture na inilagay.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Hindi mawawala ang roof deck at veranda na magandang spot upang makita ang magandang tanawin sa Tagaytay.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *