Ito ang napakagandang buhay na ngayon ni Anne Curtis sa Australia kasama ang binuong pamilya

Ang kwento ng buhay ng ating mga paboritong artista ang madalas nating ninanais na abangan. Simula sa unang beses natin silang nasilayan sa telebisyon hanggang sa magkaroon sila ng sarili nilang pamilya.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram




Minsan mas nagagalak tayo kapag nalaman natin na magkakaroon sila ng anak at gusto nating alamin kung ano ang mga susunod na mga hakbang ang gagawin nila sa buhay. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na aktres na ating inaabangan sa telebisyon, ito ay walang iba kundi si Anne Curtis.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Alam naman natin lahat na noong 2019 ay lumipad ang aktres patungo sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ay sa kadahilanang nais niya doon isilang ang kanyang unang anak na si Dahlia.
Saad pa niya na sobrang gusto niyang magtrabaho kahit na buntis siya at hindi siya mapigilan ng kahit sino man.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Kung kaya napag-isipan niya na matitigil lamang ang kanyang pagiging workaholic kung lalayo siya sa kanyang trabaho. Isa pa sa mga rason niya na gusto din niyang kasama ang kanyang ina sa araw ng kanyang panganganak.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram




Ngunit dumating ang panahon ng pandemya na nagbigay ng malaking epekto sa buhay ng bawat tao. Iyon din ang panahon na kung saan ipinanganak niya ang kanyang baby girl na si Dahlia. Napilitan ang mag-asawa na mag extend ng kanilang pag-stay sa Australia.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Dahil dito naging daan ito para sa aktres upang makasama ang kanyang pamilya at asawa. Naisipan niya na kuhaan araw-araw ng litrato ang mga bagay na gusto niya maalala sa buhay. Nagawa niya itong ibahagi sa mga netizens sa pamamagitan ng social media.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Isa sa mga litrato na naibahagi niya ay ang litrato ni Erwan na nagluluto ng kanilang pagkain. Ito din ay isa sa mga paborito niyang tanawin sa tuwing gigising ang aktres sa umaga.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Kapansin-pansin sa litrato ni Dahlia na masayang nanunuod habang nagluluto ng pagkain kasama ang kanyang ama. Samantala saad naman ng aktres na siya naman ang kasama ng kanyang anak sa tuwing kakanta ng mga Disney songs at nursery rhymes.


Photo Courtesy: Anne Curtis | Instagram

Maliban sa nabanggit na litrato ay ipinakita din ni Anne ang iba’t ibang mga bahagi ng kanilang bahay na may mga naggagandahang gamit ni Dahlia.




Leave a Reply

Your email address will not be published.