Nagsagawa ng nakakatuwa na Birthday Surprise si Lyca Gairanod para sa kaniyang Lola

Likas na sa ugali ng isang tao ang maging mapagmahal sa kanyang pamilya. Lahat ay kaya nating ibigay upang mapasaya lamang ang ating mga mahal sa buhay. Dahil sa kanilang gabay ay lumaki tayo ng tama at may takot sa Diyos. Hinding hindi talaga natin malilimutan ang init ng pagmamahal ng ating mga magulang.

Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Youtube




Sa kabilang banda ay may tao din na hindi natin malilimutan ang pagmamahal na ibinuhos nila sa atin. Ito ay ang ating mga lolo at lola. Sila yung tipo ng tao na kayang ibigay lahat sa kanilang apo mapasaya lamang ang mga ito.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Youtube

Kung kaya hindi din mapantayan ang pagmamahal na kaya nating ibigay sa kanila. Tulad na lamang ng napakagaling na mang-aawit na nanalo noon sa The Voice Kid Season 1 na si Lyca Gairanod.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Youtube

Nito lamang buwan ng Pebrero ay nagdiwang ng ika-87 na kaarawan ang lola ni Lyca. Ang mga kaganapan sa kaarawan ng lola ni Lyca ay mapapanood sa isang Vlog. Makikita noong una ay hindi makitaan nang saya sa mga mukha ang lola ni Lyca.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Youtube


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Youtube




Ito ay dahil sa pag-aakala na nakalimutan ang kaniyang kaarawan. Ngunit laking gulat nito nang pag-uwi niya sa kanyang bahay ay may hatid na sorpresa ang kanyang apo sa kanya at ito ay ang munting handa para sa kanya.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Bakas sa mukha ng lola ni Lyca ang saya nang makita niya ang kanyang apo.
Mas naging emosyonal ang kaganapan nang may ipakausap sa kanya na tao sa telepono dahil hindi umano ito nakadalo sa araw ng kaarawan niya.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Sa kabilang banda naman ay nagpasalamat si Lyca sa lahat ng ginawa nito para sa kanya. Lalo na sa pagsuporta nito sa kanyang talento at mga pangarap sa buhay.


Photo Courtesy: Lyca Gairanod | Instagram

Marami sa mga netizens ang natuwa sa ginawa ni Lyca para sa kanyang lola. Ito ay nagpapakita lamang na kung gaano kamahal at kahalaga ang bawat tao at mga mahal natin sa buhay. Marami din sa mga netizens ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa lola ni Lyca.




Leave a Reply

Your email address will not be published.