Silipin ang bahay ni Gabbi Garcia na daig pa ang five star hotel dahil sa ganda nito

Bawat bahay ng artista na ating nakikita ay kahanga-hanga dahil sa mga kakaiba nitong disenyo at ganda. Nakakahanga din ang mga kwento sa likod ng mga bahay na ito kung papaano nila ito nakamit. Sa bawat bahay ng mga paborito nating artista na ating nakikita ay nagiging inspirasyon natin sa buhay.

Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel




Ngayon atin namang dalawin ang bahay ng isa sa mga sikat at napakagandang aktres na si Gabbi Garcia. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga tagahanga ng aktres na masilip ang bahay nito sa kanyang Vlog. Dito naikwento ni Gabbi na ang bahay na ito ay may laking 350-square-meter na matatagpuan sa Parañaque.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel

Ang ari-arian na ito ni Gabbi ay nabili nila noong 2018 at nagsimula silang pamilya na lumipat dito noong 2019. Pagpasok pa lamang sa bahay ay kapansin-pansin na agad ang napakakyut na upuan na kulay pink. Makikita din ang isang istante na kung saan nakadisplay ang mga awards na natanggap ng aktres.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel

Padating naman sa kusina ay agaw-pansin ang napakagandang dining table na kung saan ay pinag-ipunan ito ng aktres. Mayroon din isang mini bar na maaaring pagdalhan ng aktres ng kanyang mga kaibigan kung gusto nitong mag-relax.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel

Hindi din naman magpapahuli ang living room ng aktres dahil mayroon itong napakalaking upuan na kakasya ang sampung tao. Ito ay hugis letrang “C” na kulay berde na mayroong malalambot na unan.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel




Tila naman nasa isang mamahaling hotel ang disenyo ng powder room dahil sa gold and white combination ng kulay, samahan pa ng napakagandang chandelier nito. Sa hallway makikita ang isang prop sword na ginamit ng aktres sa isa sa mga proyekto niya na talaga namang mamamangha ka sa ganda.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel

Sa isang kwarto naman makikita ang mga koleksyon ng kanyang ama na Macfarlane toys at mini train naman ng kanyang ina. Mayroon din dedicated room para sa kanyang kapatid na si Alex na isang music major. Sa loob nito makikita ang mga iba’t ibang instrumento na ginagamit nito.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Youtube Channel

Nagpakitang gilas din ang aktres sa paggamit ng drums sa kanyang vlog na ikinatuwa naman ng kanyang mga tagahanga. Umani ang vlog ni Gabbi ng isang katutak na positibong komento.




Leave a Reply

Your email address will not be published.