Ito ang munting pasilip ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang Luxury Van

Tulad ng ibang mga kilalang personalidad at celebrities sa ating bansa, hindi maiwasan na halos lahat ng tao ay naka-abang sa bawat galaw ni Jinkee Pacquiao ang nag-iisang asawa ng Boxing Champ na si Manny Pacquiao. Isa siya sa mga naging instant celebrity at talaga namang nagbigay ng inspirasyon sa tulad niyang Mommy.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram




Hindi nga matatawaran ang ganda ni Jinkee kaya naman sunod-sunod rin ang mga ginawa niyang commercial sa telebisyon at nagtayo na rin ng sarili niyang negosyo na may kinalaman sa mga beauty products. Maliban dito ay hinahangaan din siya ng madami dahil sa kaniyang classic fashion style na bagay na bagay sa kaniyang balingkinitang katawan.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram

Samantala, hindi naman maitatangi na talaga namang nakaka-angat ang pamilya nila at halos nabibili nga ang lahat ng gusto kahit na mamahalin pa ang mga ito. Tulad nalang ng mga designer bags, sapatos, damit at kahit mga alahas.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram

Pagdating naman sa properties at investments ay talaga namang hindi magpapahuli ang mga Pacquiao. Hindi lang isa ang bahay nila dito sa Pilipinas at mayroon pa nga sa ibang bansa. Maliban pa dito ay mayroon rin silang pagmamay-ari na mga nagmamahalang sasakyan.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram




Kamakailan lang ay naging laman na naman ng usap-usapan si Jinkee nang ipasilip nito sa mga netizens ang bago niyang investment. Ito ay isang luxury van na talaga namang napaka-ganda ng kulay.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram

Hindi ito kagaya ng ibang customized van na itim o brown. Ginawa ito ni Jinkee na parang pastel pink dahil isa ito sa kaniyang paboritong kulay. Kaparehas nga ito ng dala-dala niyang luxury bag na ibinahagi niya rin sa kaniyang Instagram account.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram

Ginamit ni Jinkee ang sasakyan noong namasyal siya kasama ang mga anak at nagpunta sa Power Plant Mall, Makati City. Marami ang nakakita sa kanila at ayon sa mga eksperto, ang nasabing van ay isang Hyundai Starex. Nagkakahalaga ito ng mahigit isang milyong piso maliban pa ang gagastusin sa pag-customize ng mga upuan at iba pang design.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram

Talaga namang bongga ang mga kagamitan ni Mommy Jinkee ngunit sa lahat ng ito ay patuloy niyang ipinapaalala sa mga netizens na ang pinaka-mahalagang bagay sa buhay ay iyong mga hindi mabibili ng pera.




Leave a Reply

Your email address will not be published.