Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa isa sa pinakamagaling na leading man ng pelikulang Pilipino? Kahit nga na ilang taon din niyang itinigil ang kaniyang karera sa show business ay hindi maikakaila na marami pa rin ang nakaabang sa kaniyang pagbabalik.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang aktor na ito ay walang iba kung hindi si John Lloyd Cruz. Sa kaniyang husay sa pag-arte dagdag pa ng kaniyang karisma ay hindi maikakaila na isa siya sa pinakamabentang aktor noong kaniyang kapanahunan.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Sa katunayan ay marami na siyang naging leading lady na mga bigatin, tulad nalang nga nina Bea Alonzo, Kaye Abad, Angel Locsin, Toni Gonzaga, at Sarah Geronimo. Talaga nga tumatak sa ating mga Pinoy ang kanilang mga palabas lalo na ang tambalang “Popoy at Basha” na marami pa ang naka-relate.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Kaya hindi na rin nakapagtataka na kahit siya ay matagal na tumigil at nagpahinga muna sa showbusiness ay nagawa niya pa ring makapundar ng mga ari-arian. Isa nga rito ay ang kanilang French Mediterranean na tahanan.
Gusto ng aktor na simple at elegante ang kanilang magiging tahanan kung kaya’t napagpasyahan niyang magkaroon ng French Mediterranean design ang kanilang magiging bahay. Sa interior design naman ay napagdesisyunan niyang maging American design ito.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Kung makikita natin ang kanilang bahay sa labas aakalain mong ikaw ay nasa L.A. sa ganda ng labas nito. Italian marble pa nga ang gamit nila dito. Mayroon din itong Koi fish pond kung saan makapagbibigay sayo ng nakakarelaks at kaaya-aya. Sa katunayan ay gustong-gusto nila ang lugar nito at kahit si John Lloyd ay madalas tumambay dito habang nagpapakain ng mga isda.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Pagpasok mo naman sa kanilang main door mapapansin mo napakataas nilang kisame na nagbibigay elegante sa lugar at pagka-engrande nito. Kahoy din ang ginamit nilang sahig sa lugar na ito. Makikita mo rin ang kanilang napakalaking oras na kanila mismong ipinasadya.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Mayroon din powder room na matatagpuan sa ilalim ng kanilang hagdan. Kung makikita mo ang loob nito ay masasabi mong para kang nasa isang hotel. Pagdating naman sa kanilang hapag-kainan, makikita mo ang kanilang lamesa at sampung mga upuan na gawa sa Narra. Mayroon ding chandelier na nakasabit sa taas nito.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Ang kusina naman ang isa sa pinakapaboritong lugar ni John Lloyd. Gustong-gusto niya ang nag-aalmusal sa may bintana rito. Malawak ang lugar at ang marble-top island ay maaaring gawing dining area rito. May mga mamahaling kagamitan din na matatagpuan dito tulad ng malaking refrigerator at ang cabinet ay mayroong self-closing system.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Sa labas ng kanilang dining area ay mayroong “lanai” kung saan mayroon itong 8 seater dining table at maaari rin maging holding area habang naghahanda pa lamang ng mga pagkain. Ang lugar ay maaari ring gamitin kapag gusto niyo lang magrelaks at uminom ng kape at kumain ng cookies.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Sa gilid ng lanai makikita ang kanilang swimming pool kung saan mayroong disenyo ng “Infinity sign”. Ito raw ay mungkahi ng isang Feng Shui expert upang makontra ang malas.
Photo Courtesy: John Lloyd Cruz | Instagram
Ang lupain nila rito ay masyadong malawak kung kaya’t mayroon kang makikita na guest house na ipinagawa rito. Ito ay mayroong living at dining area, kusina, bathroom, at 2 kuwarto. Sa lugar na ito namamalagi ang aktor kapag hindi siya busy sa trabaho at walang masyadong schedule. First class nga ang mga ginamit dito at masasabi mo talagang engrande.
Photo Courtesy: John Lloyd Cruz | Instagram
Sa labas nito mapapansin mo ang isang istatwa na replica ni Venus de Milo. Tinatawag ni John Lloyd ito na Amanda. Hindi rin mawawala ang malawak ng harden na puwedeng paglaruan ng mga bata at puwede ring maglakad-lakad dito.