Ang dating childstar na si Nash Aguas ay nagmamay-ari na ngayon ng napakagandang tahanan sa United States

Tahanan ang isa sa ating pangunahing pinangarap. Ang pagpapatayo ng isang bagong tahanan ay talaga naman na nakakapanabik na sandali sa buhay ng isang tao. Dahil sa pandemya marami sa ating mga pilipino na nais lumipat sa isang bagong tirahan.

Photo Courtesy: Nash Aguas | Instagram




Ang ilan naman ay nais magtayo ng bagong tahanan na malayo sa nakasanayan na bansa. Tulad nalang ng dating Kapamilya Child Actor na si Nash Aguas, isang hakbang na siya ngayon sa pagkamit ng isa sa kanyang pinakamalaking layunin, ang pagkakaroon ng kanyang pinapangarap na bahay. Ibinahagi niya ang magandang balita sa kanyang Instagram post na siya ay nagmamay-ari na ng isang bahay sa Las Vegas.


Photo Courtesy: Nash Aguas | Instagram


Photo Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Maraming netizen ang natuwa sa kanyang post lalo na ang kanyang nobya na si Mika Dela Cruz na sinabi pa nito siya daw ay masaya sa kanyang nakamit. Karamihan sa mga naka trabaho niya sa industriya ay binati siya sa kanyang nakamit.


Photo Courtesy: Nash Aguas | Instagram


Photo Courtesy: Nash Aguas | Instagram




Isa na doon ay ang dating aktres na si Neri Miranda na nag sabi na si Nash ay isang magadang halimbawa sa mga kabataan ngayon pagdating sa paghawak ng pera. Nabanggit niya din sa isang komento na si Nash ay may iba pa na investment bukod sa bahay.


Photo Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Kung natatandaan natin si Nash ay nagsimula sa larangan ng showbiz noong 5 taon gulang pa lamang siya, at sumali sa isang talent search sa isang malaking estasyon. Ngunit mas lalo natin siya nakilala sa kiddie show na Goin Bulilit na naging daan para siya ay maging child star.


Photo Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Si Nash ang isa sa halimbawa na kahit ano mang problema ang makaharap o magdaan sa isang tao kailangan pa rin natin na magpatuloy at huwag mawalan ng pag-asa.


Photo Courtesy: Nash Aguas | Instagram

Sa kabila ng nakaharap niyang mga pagsubok nanatili siya na matatag at mas nanalig sa diyos upang malagpasan ang kanyang problema at makamit niya ang buhay na natatamasa niya ngayon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.