Kilalanin ang napakagandang nobya ng sikat na childstar noon na si Jairus Aquino

“O, pag-ibig na makapangyarihan, pag ika’y pumasok sa puso ninuman. Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang”. Ito ang the best na quote para sa ating artikulong ito.

Photo Courtesy: Jairus Aquino | Instagram




Tunay nga na makapangyarihan ang pag-ibig, kapag ika’y tinamaan, gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo. Ang pag-ibig, walang pinipiling edad, kasarian o oras.


Photo Courtesy: Jairus Aquino | Instagram


Photo Courtesy: Andrea Angeles | Instagram

Ito ay kusang darating at mararamdaman sa tamang tao na ibinigay at itinadhana sayo ng Maykapal. Isa na si Jairus Aquino sa maraming taong natagpuan ang tunay na pag-ibig.


Photo Courtesy: Andrea Angeles | Instagram

Kamakailan lamang ay ipinakilala ng aktor ang kaniyang kasintahan na si Andrea Angeles, isang vlogger. Ibinahagi ng aktor sa kaniyang Instagram ganun narin sa kaniyang YouTube, kung paano niya napasagot si Andrea upang kaniyang maging kasintahan.


Photo Courtesy: Andrea Angeles | Instagram


Photo Courtesy: Andrea Angeles | Instagram




Ang nasabing post at ang sayang kaniyang nararamdaman ay kaniyang inihalintulad sa isang linya sa kanta na may pamagat na Forevermore, at ito ay ang “You were just a dream that I once knew. Ang dating pinapangarap lang, ngayon ay kasintahan na niya.


Photo Courtesy: Andrea Angeles | Instagram

Nagsimula ang lahat ng tanungin ni Jairus Aquino si Andrea sa huling part ng video kung pwede niya itong maging kasintahan at nangyari ito sa isang movie theater sa Quezon City.


Photo Courtesy: Andrea Angeles | Instagram

“Iyya, will you be my lifetime?”, mga katagang naitanong ni Jairus. Hindi naman nabigo ang aktor, dahil natanggap niya naman ang matamis na “oo” mula kay Andrea, pagkatapos nito ay binigyan niya si Andrea ng isang kwintas.


Photo Courtesy: Andrea Angeles | Instagram

Kung ating babalikan, ang huling naging kasintahan ni Andrea ay ang professional mobile legends player na si Tristan Cabrera. Sa kabilang banda naman, ang huling naging kasintahan ni Jairus ay isang non-showbiz girl.


Photo Courtesy: Andrea Angeles | Instagram

Maliban sa “Goin’ Bulilit,” mas lalong sumikat si Jairus Aquino dahil sa kaniyang ka-love team na si Sharlene San Pedro. Nagsimula ang kanilang pagiging love team sa “Luv U” noong taong 2013. Gayon pa man ay nabuwag din ang tambalang JaiLene taong 2016.




Leave a Reply

Your email address will not be published.