Ipinagdiwang ni Claudine Barretto ang ika-47 na kaarawan ng kaniyang yumaong nobyo na si Rico Yan

Ang mahahalagang kaganapan sa ating buhay ay mahirap kalimutan, sapagkat ito ay tumatak na sa puso at isipan na sa bawat taon ay magpapaalala sa atin na dapat natin itong gunitain o ipagdiwang para sa ikasasaya ng mga mahal natin sa buhay.


Photo Courtesy: The Rico Yan | Instagram




Halimbawa na lamang ang anibersaryo ng dalawang taong nagmamahalan na siyang magpapatunay ng kanilang masaya at matatag na pagsasama at maging ang ating kaarawan na hindi natin pinapalagpas taon-taon, lalo na ng mga mahal natin sa buhay.


Photo Courtesy: The Rico Yan | Instagram

Kung nabubuhay lamang ang batikang aktor na si Rico Yan ay ginugunita niya sana ngayon ang kaniyang ika-47 na kaarawan kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay. Bagama’t maaga niyang nilisan ang mundong ibabaw ay may mga taong hindi parin nakalilimot ng kaniyang kaarawan.


Photo Courtesy: The Rico Yan | Instagram

Isa na si Claudine Barreto sa maraming tao na hindi nakakalimutang alalahanin at ipagdiwang ang kaarawan ni Rico Yan na kaniyang naging dating nobyo.


Photo Courtesy: The Rico Yan | Instagram


Photo Courtesy: Claudine Barretto | Instagram




Marso 14 ang kaarawan ni Rico yan, ngunit Marso 13, 2022 palang ng gabi ay sinalubong na ng pagbati ni Claudine ang kaarawan ni Rico at ito ay makikita at mababasa sa Instagram account ni Claudine.


Photo Courtesy: The Rico Yan | Instagram

Makikita rito ang isang larawan ng cake na may nakasulat na “HAPPY BIRTHDAY RICO WE LOVE YOU.” Ang nasabing cake ay nanggaling sa mga “CLAUDINIANS” at “RYCBFRIENDS.”


Photo Courtesy: Claudine Barretto Instagram

Narito ang mensahe ng aktres para kay Rico Yan na makikita at mababasa sa kaniyang Instagram post, “habang ginugunita mo ang iyong kaarawan diyan sa langit ay masaya rin kaming kasama mong nagdiriwang dito sa lupa. Sana ay malaman mo kung gaano kita kamahal at maging ang mga taong nagmamahal sayo.


Photo Courtesy: The Rico Yan | Instagram

Ani ni Claudine, kahit nasa kabilang buhay na si Rico ay hindi niya makakalimutang alalahanin at gunitain ang kaarawan nito dahil labis nitong mahal si Rico. Ipinanganak si Rico Yan noong Marso 14, 1975 sa Mandaluyong, Rizal at namayapa noong Marso 29, 2002 sa edad na 27.




Leave a Reply

Your email address will not be published.