Napagdesisyunan na ng mag-long time partner na sina Aubrey Miles at Troy Montero na magpakasal

Mahigit dalawang dekada nang nagsasama sa hirap at ginhawa ang celebrity couples na sina Troy Montero at Aubrey Miles. Sa katunayan, halos na subaybayan na nga ng publiko kung papaano sumibol ang kanilang pag-iibigan at kung papaano ito pinatatag ng pagsubok.


Photo Courtesy: Aubrey Miles | Instagram




Marami rin silang natutunan sa kanilang relasyon at nagbunga ito ng magagandang mga anak.
Samantala, noong nakaraang araw ay ginulat ng dalawa ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa isang nakakatuwang balita.


Photo Courtesy: Aubrey Miles | Instagram

“Together 18 years, engaged [for eight] hours… Here’s to forever with you,” caption ni Troy sa sweet photos nila ni Aubrey.


Photo Courtesy: Aubrey Miles | Instagram

Engaged na nga ang dalawa at marami ang halos hindi makapaniwala dito. Ang ilan kasi ay inakalang matagal na silang kasal dahil na rin sa tagal nilang nagsasama.

Super happy naman si Aubrey dahil sa wakas ay magiging official na silang mag-asawa ni Troy at magkakatotoo na rin ang pangarap ng kanilang mga anak na maikasal silang dalawa.


Photo Courtesy: Aubrey Miles | Instagram




“Of course the kids, deep down, I know they want us to get married… And now that they’re getting older, it has a little bit more meaning.”, kwento ng dating aktres.


Photo Courtesy: Aubrey Miles | Instagram

Samantala, kasabay ng balitang ito ang ilang detalye ng kanilang pag-iisang dibdib at ayon kay Troy noon pa man ay dream wedding location na talaga nila ang Batanes. Actually dapat sana ay ikakasal sila doon ni Aubrey last year kaso kailangan nilang i-postpone dahil na rin sa mga nagdaang problema sa buong mundo.


Photo Courtesy: Aubrey Miles | Instagram

Super excited din ang bride-to-be sa biggest event of her life. Sa katunayan hands-on siya sa planning kahit na mayroon naman silang wedding coordinator.


Photo Courtesy: Aubrey Miles | Instagram

“We were going to stay in this nice hotel in the middle of the cliff. It’s a rock hotel. ‘Yun yung mga plano. Meron na kaming wedding planner there and photographer, may video, and ang mag-we-wed sa amin dun dapat yung mayor ng Batanes.”, dagdag pa ni Aubrey.


Photo Courtesy: Aubrey Miles | Instagram

Sa ngayon ay chill muna sina Troy at Aubrey sa Boracay kasama ang kanilang anak na sina Maurie, Hunter at Rocket. Nagkakilala ang dalawa dahil kay Kris Aquino at naging opisyal ang kanilang relasyon noong 2003.




Leave a Reply

Your email address will not be published.