Ito ang bagong gawa na Opisina ng aktres na si Kim Chiu sa kaniyang bahay

Ang pagkakaroon ng mga bagay na ating inaasam ay isang palatandaan na gumaganda ang takbo ng ating buhay. Sa labis na katuwaan ay hindi natin mapigilan ang ating sarili na ipakita ang mga bagay na nabili o nakamit natin.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram




Ito ay hindi upang ipagmayabang kundi upang kapulutan ng inspirasyon ng bawat tao at ipaalala na walang imposible sa taong nagsusumikap at may pangarap sa buhay.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram

Masaya at ipinagmamalaking ipinasilip ng aktres na si Kim Chiu sa kaniyang mga masugid na tagasubaybay ang kaniyang bagong home office studio. Ayon sa aktres na si Kim, ang kaniyang bagong home office studio ay ang dati niyang walk-in closet.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Mapapanuod sa kaniyang vlog kung paano naging home office studio ang kaniyang dating closet. Kitang-kita naman kay Kim ang kasiyahan at kung gaano siya ka-proud sa kaniyang bagong achievement habang ipinapasilip ito at ibinahagi rin ng aktres na ang interior designer ng nasabing home office studio ay isang Cebuana.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube




Ito ay walang iba kundi si Miss Janet Lee ng Janet Lee Designs, kaibigan ng kaniyang ate. Ayon sa aktres, ang pandemya ang isa sa naging rason kung bakit niya naisipan at napagdesisyunang gawing office ang dating closet.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Saad ng aktres, sa kadahilanang hindi pa pwedeng makapag-physical interaction ang bawat isa dahil sa pandemya, ang pagkakaroon ng Zoom meeting ang tanging naging sandalan ng nakararami upang kahit na malayo ay napag-uusapan pa rin ang mga dapat gawin lalo na pagdating sa trabaho. Kaya naman, walang nagawa ang aktres at napagpasyahang ang closet niya nalang ang gawing home office.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Youtube

Ang nasabing home office tour vlog ay umabot na sa mahigit 100, 000 ang nakapanuod. Bukod pa dito, ay nauna na ring ipasilip ni Kim sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay ang kaniyang kwarto at condominium unit na ayon sa aktres ay kaniyang secret hideout. Isa si Kim Chiu sa mga main host ng noontime shows ngayon sa Kapamilya Channel na It’s Showtime.




Leave a Reply

Your email address will not be published.