Ito ang kahanga-hangang wedding proposal ni basketball star Jeron Teng para sa kaniyang Girlfriend

Sa panahon ngayon ay makikita natin ang iba’t ibang klase nang pakulo na ginagawa upang maging unique ang pagdiriwang natin ng isang kaganapan. Dahil sa mga pakulong ito ay madami tayong napapahanga at napapasayang tao at higit sa lahat nabibigyan ng inspirasyon na gawin din ang ganitong mga bagay para sa kanilang mahal sa buhay.


Photo Courtesy: Jeron Teng | Instagram




Isa na ang sikat at kilalang basketball player ng De La Salle University na si Jeron Teng ang nakagawa ng kakaibang klase ng pag-propose para sa kaniyang kasintahan.


Photo Courtesy: Jeron Teng | Instagram

May kasabihan tayo na sa “pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy”. Matapos ang mahabang pagsasama ni Jeron Teng at ng kanyang kasintahan na si Jeanine Beatrice Tsoi ay nagdesisyon na ang basketball player na pakasalan ito.


Photo Courtesy: Jeron Teng | Instagram

Photo Courtesy: Project Mayo 7 | Youtube

Ang pag-proposed ni Jeron Teng sa kanyang kasintahan ay naging usap-usapan sa social media dahil sa kakaibang preparasyon na ginawa nito.


Photo Courtesy: Project Mayo 7 | Youtube

Nangyari ang hindi malilimutang kaganapan na ito sa isang basketball court ng FilOil Flying V Centre na matatagpuan sa San Juan.


Photo Courtesy: Project Mayo 7 | Youtube




Sa mga litrato na ibinahagi ng My Metro Photo ay kapansin-pasin ang malaking pagbabago ng court at nagmistulang isang napakagandang lugar na tila matatagpuan lamang sa mga pantaserye.


Photo Courtesy: Project Mayo 7 | Youtube

Marami ang humanga sa ganda ng mga dekorasyon at sa una hindi mo aakalain na ito ay isang basketball court dahil sa mga pailaw at bulaklak na nakapalibot dito. Mararamdaman mo talaga ang pagkaromantic ng lugar dahil sa ambiance at dekorasyon na mayroon dito.


Photo Courtesy: Project Mayo 7 | Youtube

Mapapansin din na suot ni Jeron ang kanyang uniporme noong naglalaro pa siya sa UAAP samantala ang dating naman ni Jeanine ay tila isang courtside reporter.


Photo Courtesy: Project Mayo 7 | Youtube

Marami sa mga netizens ang natuwa at humanga sa ginawang effort ni Jeron sa araw ng kanyang pag-proposed sa matagal na niyang kasintahan na si Jeanine.


Photo Courtesy: Project Mayo 7 | Youtube


Photo Courtesy: Jeron Teng | Instagram

Hindi din mapigilan ng mga netizens ang kiligin sa dalawa dahil makikita at mararamdaman mo sa bawat litrato ang pagmamahal sa isa’t isa. Kasalukuyang si Jeron Teng ay naglalaro kasama ang kupunan ng Alaska Ace sa PBA.




Leave a Reply

Your email address will not be published.