Ito na ngayon ang kasalukuyang buhay ni Dagul matapos mawala sa buhay niya ang Goin Bulilit

Maraming mga komedyante ang tumatak sa puso ng bawat Pilipino. Sila ang mga nagpangiti, nagpatawa, at pumawi sa ating mga lungkot sa tuwing napapanuod natin sila sa telebisyon. Ngunit ang lahat ng bagay ay may hangganan, ang bawat isa ay tatanda at lilisan.

Photo Courtesy: Ogie Diaz | Youtube




Darating ang panahon na tanging ala-ala nalang ang magpapangiti sa ating mga puso at isipan dala ng malaking pagbabago sa kanilang pangangatawan at kalusugan. Gayunpaman nakakalungkot isipin na sa kabila ng kanilang pagbibigay saya sa atin ay may iniinda na pala silang kalungkutan. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na komedyante na si Dagul na nagbigay ngiti sa labi at puso ng bawat manunuod.


Photo Courtesy: Ogie Diaz | Youtube

Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Romeo “Romy” Pastrana o mas kilala sa pangalan na Dagul, isa sa mga nakakatawang komedyante na sinubaybayan natin noong 90s. Una natin siyang nakilala dahil kay Randy Santiago na isang singer at host. Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng dwarfism ay binansagan ang aktor na si Romy bilang Dagul na kung saan ibig sabihin sa Pampanga ay matangkad.


Photo Courtesy: Dagul Pastrana | Instagram

Mas nakilala ang aktor ng makasama niya sa isang proyekto ang isa pang komedyante na si Long Mejia. Ngunit ang tambalang ito ay hindi nagtagal nang nagdesisyon si Dagul na lumipat sa ibang istasyon.

Hindi natin malilimutan na naging parte ang kilalang komedyante sa isang gag show na pinamagatang Goin’ Bulilit na kung saan nakasama niya ang iba’t ibang bata na ngayon ay mga binata at dalaga na.


Photo Courtesy: Dagul Pastrana | Instagram




Ngunit bigla na lamang nawala ang komedyante sa programa at nang muling mabigyan ng pagkakataon na makausap sa pamamagitan ng isang Vlog ni Ogie Diaz ay hindi nito mapigilan ang kanyang nararamdaman.


Photo Courtesy: Dagul Pastrana | Instagram

Hindi mapigilan ni Dagul na maging emotional sa interview sa kanya ni Ogie Diaz at saad niya na hirap na hirap na siya sa kanyang kasalukuyang kalagayan.


Photo Courtesy: Dagul Pastrana | Instagram

Ito ay nagsimula noong nagbalak siya tumakbo bilang konsehal ngunit hindi pinalad at naisipang balikan muli ang showbiz ngunit sa di inaasahang pagkakataon ang nasabing programa ay wala na. Kasalukuyang siya ang head ng command center ng kanilang barangay.


Photo Courtesy: Ogie Diaz | Youtube

Naibahagi din ng aktor na nahihirapan siya ngayon kaysa noong mayroon pa siyang trabaho sa mundo ng showbiz. Lalo na pagdating sa pagpapa-aral ng kanyang anak dahil hindi sapat ang kanyang kinikita upang tustusan ang mga bayarin nito.


Photo Courtesy: Dagul Pastrana | Instagram

Ngunit handa naman tumulong si Ogie Diaz pagdating sa pagpapa-aral sa anak ni Dagul na kanya naman ikinatuwa. Lubos na nagpasalamat ang komedyante kay Ogie Diaz dahil sa tulong na handa nitong ibigay sa kanya.




Leave a Reply

Your email address will not be published.