Laking pasasalamat ni Kiray Celis sa kaniyang Boyfriend dahil sa labis na pagmamahal nito sa kaniya at pamilya niya

Abot-langit ang pasasalamat ng aktres na si Kiray Celis dahil ibinigay sa kaniya ng langit ang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia.


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram




Noon pa man ay wala siyang ibang hangad kundi ang makahanap ng taong magmamahal sa kaniya ng tunay at hindi lang dahil sa kung anumang dahilan. Nagkakilala ang dalawa noon dahil sa kanilang common friends at mahigit dalawang taon na rin silang nagsasama bilang magkasintahan.


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram

Sa loob ng mahabang panahon ay napatunayan ni Stephan na totoo ang pagmamahal niya sa aktres at madalas niya itong ipakita hindi lang sa salita kundi pati na rin sa kaniyang mga gawa. Sa katunayan, close na rin siya sa buong pamilya ni Kiray at laging kasama sa kanilang family gatherings.


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram

Samantala, kamakailan lang ay naging emosyonal ang aktres dahil hindi niya akalain na hanggang ganoon ang kayang gawin ni Stephan para sa kaniya. Nagkaroon ng karamdaman kasi ang Mama ni Kiray at kinailangan itong isugod kaagad sa hospital.


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram




Nagkataoon noon na nasa trabaho pa ang aktres at walang mag-aasikaso sa kaniyang mga magulang kaya naman lubos ang pasasalamat niya dahil available din noon ang kasintahan.


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram

“Last week, sinamahan mo ako na-ipacheck up si mama sa hospital tapos kahapon since nasa taping ako, sinamahan mo naman si papa para dalhin ulit si mama para mai-confine na siya sa hospital.”, kwento ng aktres sa kaniyang Instagram post.


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram

Hindi nga tumigil si Stephan sa pagtulong sa mga magulang ni Kiray at naglalaan talaga ito ng oras para masiguradong maayos ang kalagayan ng mama ng aktres habang nasa hospital ito. Dahil nga dito ay natunaw ang puso ni Kiray at muli niyang naramdaman na si Stephan ang itinadhana para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.


Photo Courtesy: Kiray Celis | Instagram

“Kaya sa lahat ng girls diyan, hanapin niyo ‘yung hindi lang basta kayo ang mahal. Pero mahal na mahal rin ‘yung taong mga mahal niyo.”, payo ng aktres sa kapwa niya babae. Masasabi ngang #relationshipgoals sina Kiray at Stephan na hanggang ngayon ay nagiging matatag ang pagsasama sa kabila ng mga pagsubok.




Leave a Reply

Your email address will not be published.