Muling nagtagpo si Joseph Marco at kaniyang Russian Girlfriend matapos ang napakatagal na Long Distance Relationship

Maraming pag-iibigan ang ating inaabangan sa mga sikat at kilalang showbiz personalities. Karamihan sa kanila ay kapwa artista ang nakakatuluyan. Mayroon din naman ibang mga artista na kung saan ay banyaga ang nakakatuluyan.


Photo Courtesy: Joseph Marco | Instagram




Sa kabila ng ating labis na pagkakilig sa magandang samahan nila ay may mga kwento na hindi mo inaakala na pinagdadaanan nila. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat at hunk actor na si Joseph Marco.


Photo Courtesy: Joseph Marco | Instagram


Photo Courtesy: Joseph Marco | Instagram

Matapos ang mahigit 16 na buwan ay muli silang nagkita ng kanyang kasintahan na isang Russian. Una nating nakilala ang kasintahan ni Joseph Marco noong 2020 nang magbahagi ito ng litrato na magkasama silang dalawa.


Photo Courtesy: Joseph Marco | Instagram

Matapos ang isang taon ay nabalitaan din natin ang kanilang masayang pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo na nagpakilig sa mga netizens.


Photo Courtesy: Joseph Marco | Instagram

Ngunit tulad din ng ibang nagmamahalan ay hindi lahat puro saya at kilig dahil may kaniya-kaniyang pinagdadaanan ang kanilang pagsasama. Katulad na lamang sa kanilang dalawa na parehas na malayo sa isa’t isa.


Photo Courtesy: Darja Romanova | Instagram





Photo Courtesy: Darja Romanova | Instagram

Matapos ang kanilang unang anibersaryo ay nagtagal pa ng 16 na buwan upang magkita silang muli. Dito nasubok ang tibay ng kanilang pagmamahalan dahil alam naman natin na kakaunti lamang ang nagtatagal sa long-distance relationship.


Photo Courtesy: Darja Romanova | Instagram

Makikita sa isang bidyo na ibinahagi ng aktor sa kanyang social media account ang pagdating ng kanyang kasintahan na si Darja Romanova. Mararamdaman mo sa bidyo na ito kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Dahil sa pagkakita pa lamang ni Darja ay dali-dali umano itong tumakbo papunta kay Marco at niyakap niya ito ng napakatagal at napakahigpit.


Photo Courtesy: Darja Romanova | Instagram

Ang nasabing bidyo ng aktor ay may kaakibat na mahabang mensahe na nagsasaad na kung gaano siya kasaya na muli makapiling si Darja.


Photo Courtesy: Darja Romanova | Instagram

Tulad ng aktor ay ibinahagi din ni Darja ang bidyo na may kapsyon na tila hindi umano makatotohanan ang mga kaganapan na makikita niya muli si Marco matapos ang 16 na buwan. Marami sa mga netizens ang natuwa at kinilig sa mga kaganapan na ito at mayroon ding nagpahatid ng kanilang pagbati.




Leave a Reply

Your email address will not be published.