Nais ni Tom Rodriguez na bumalik muli sa kaniya ang asawa na si Carla Abellana

Maraming pagsubok ang dumarating sa isang relasyon, hindi ito namimili, mag-asawa man o magkasintahan pa lamang. Ang pagsubok na ito ang mamamagitan sa dalawang taong nagmamahalan na siyang susubok sa katatagan ng kanilang pagsasama at pagmamahal sa isa’t-isa.


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram




Pagmamahal, tiwala, maayos na pag-uusap at pag-intindi ang sangkap sa isang magandang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan. Ano mang bagay o pagsubok ang darating ay kailangang pag-usapan ng dalawang taong nagmamahalan sapagkat sila lamang ang may kakayahang mag-ayos ng mga bagay na ito lalong-lalo na kung ang kanilang pagsasama ang naaapektuhan.


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram

Kamakailan lamang ay marami ang natuwa at nagulat na ikinasal na ang matagal ng magkasintahang sina Tom Rodriquez at Carla Abellana. Hindi lamang ang bagong kasal at pamilya ang masaya, maging ang masugid na tagahanga at tagasubaybay ng dalawa ay talaga namang masaya para sa kanilang iniidolo.


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram

Ngunit makalipas ang ilang buwan ay agad namang napawi ang saya nang kumalat ang usap-usapang hiwalay na umano sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram




One-night stand umano ang naging dahilan ng nasabing issue. Ngunit ayon sa ama ni Carla na si Rey PJ Abellana, ipinaliwanag naman ni Tom kay Carla na hindi totoo ang nasabing issue dahil naiwasan niya itong mangyari.


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram

Sa kaparehong panayam kay Rey PJ, sinabi niya rito na pinayuhan niya ang mag-asawa na ayusin ang nasabing issue sa pagitan nilang dalawa. Binigyang diin din niya na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na komunikasyon ang siyang magbibigay ng kaayusan at linaw sa mag-asawa.


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram

Dagdag pa ng ama ni Carla na kinausap siya mismo ni Tom upang ipaalam sa kaniya na balak talaga nitong ayusin ang kanilang buhay mag-asawa.


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram

Saad pa ng ama ni Carla na noong lumapit si Tom sa kaniya at nagpaliwanag ng kaniyang panig ay umiiyak pa ito. Palagi niyang sinasabi na gusto niyang bumalik ang kaniyang asawa dahil mahal na mahal niya ito.


Photo Courtesy: Carla Abellana | Instagram

Ikinasal sina Tom Rodriguez at Carla Abellana noong Oktubre 23, 2021 sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas.




Leave a Reply

Your email address will not be published.