Abot-langit ang pasasalamat ng OPM artist at aktres na si Geneva Cruz sa napaka-gandang blessing na natanggap niya ngayong taon. Ito ay matapos niyang makumpleto ang training sa ilalim ng Philippine Air Force at sa wakas ay maisakatuparan ang matagal na niyang pangarap na maging sundalo.
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
Ang balitang ito ay agad niyang ibinahagi sa social media at makikita sa kaniyang Instagram post ang ilan sa mga mahahalagang sandali ng kaniyang training pati na rin ang naging ceremony ng kanilang graduation.
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
Samantala, mapapansin na sa kabila ng hirap ay na-enjoy niya ang buong training dahil agad niyang nakapalagayan ng loob ang kaniyang mga kasama sa grupo. Marami rin ang nakapansin sa larawan ni Geneva na wala pa ring kupas ang kaniyang ganda at bumagay sa kaniyang tindig ang pang-sundalong uniporme.
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
“Today, I step in my boots and flaunt my badge as a proud member of the Philippine Air Force’s reserve command.”, caption ni Geneva sa mga ibinahaging larawan. Samantala, aminado ang singer na hindi biro ang mga pinagdaanan niyang training at mayroong mga pagkakataon na parang susuko na ang kaniyang katawan sa pagod.
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
Dahil nga dito ay mas lalong tumaas ang tingin niya sa mga sundalo na handang magbuwis ng buhay para lang ma-protektahan ang mga sibilyan. Mas naunawan na rin ni Geneva ang malalim na kahulugan ng mga salitang respect, loyalty and honor.
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
Noon pa man ay pangarap na talaga ng singer na maging isang sundalo at maranasan ang mga ginagawa nila. Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon na makapag-training ay hindi na niya ito pinalagpas pa. “There’s something about their aura that’s appealing and engaging to me.”, dagdag pa ni Geneva.
Photo Courtesy: Geneva Cruz | Instagram
Sa ngayon ay mayroon na siyang ranggo na Sergeant at miyembro na ng Philippine Air Force Reserve Command at lahat ng ito ay iniaalay niya sa kaniyang pamilya at yumaong ina na si Mommy Marilyn. Talaga namang nakakamangha si Geneva dahil walang takot niyang sinuong ang training at ngayon nga ay “ready to serve and protect” na ang kaniyang motto para sa lahat ng mga Pilipino.