Nakapagtapos na sa kolehiyo ang aktres na si Alexa Ilacad sa kursong Business Administration Major in Marketing

Matapos ang mahabang panahon ay nakamit na rin sa wakas ng aktres na si Alexa Ilacad ang isa sa kaniyang mga pangarap sa buhay – ang makapagtapos ng kolehiyo. Hindi biro ang mga pinagdaanan ng dalaga dahil kasabay nito ang pagtatrabaho niya bilang isang artista.


Photo Courtesy: Alexa Ilacad | Instagram




Nariyan ang pagpupuyat niya para lang matapos ang mga requirements sa school at minsan nga ay wala siyang choice kundi umabsent dahil na rin sa mga commitment niya sa entertainment industry.
Ganoon pa man, hindi nagpatinag si Alexa sa mga pinagdaanang hirap at sa halip ay mas lalo pa ngang na-inspire na mag-aral ng mabuti.


Photo Courtesy: Alexa Ilacad | Instagram

Para sa kaniya, napakahalaga ang edukasyon lalo na at walang makapagsasabi kung hanggang kailan siya sa show business. “A dream does not become a reality through magic; it takes sweat, determination, and hard work.”, isang quote na caption ng aktres mula sa American politician na si Colin Powell.


Photo Courtesy: Alexa Ilacad | Instagram


Photo Courtesy: Alexa Ilacad | Instagram

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Alexa ang ilan sa mga graduation pictures niya na talaga namang hinangaan ng mga netizens. Super proud nga para sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan lalo na ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya na si KD.


Photo Courtesy: Alexa Ilacad | Instagram





Photo Courtesy: Alexa Ilacad | Instagram

“Still my greatest achievement. I have nothing but gratitude in my heart for my @trestonph family.”, dagdag pa ng dalaga. Lubos siyang nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa kaniyang college journey tulad nalang ng napakabait niyang professors at mga kaklase na mas nagpaganda ng kaniyang college experience.


Photo Courtesy: Alexa Ilacad | Instagram

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kaniyang mga magulang at pamilya na all-out ang suporta sa lahat ng kaniyang mga pangarap sa buhay. Dahil nga sa sipag at determinasyon ay natapos ni Alexa ang kaniyang Marketing course sa kolehiyo.


Photo Courtesy: Alexa Ilacad | Instagram

Hindi lang ito ang naging achievement ng aktres dahil tumataginting na 1.0 lang naman ang kaniyang General Weighted Average (GWA).Talaga namang beauty and brains itong si Alexa at pinatunayan niya na bukod sa talento at ganda ay kaya niya ring umarangkada pagdating sa larangan ng akademya. Kaya naman, mas lalo pa siyang hinangaan ng kaniyang mga kaibigan at mga fans.




Leave a Reply

Your email address will not be published.