Ibinahagi ni Rico Blanco ang kaniyang Dream Business sa La Union na tinawag niyang Port De San Juan

Hindi napigilan ng singer and song writer na si Rico Blanco ang mag-post sa social media matapos ang isang napakagandang araw niya sa probinsiya ng La Union. Ibinahagi niya sa mga netizens ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay naisakatuparan na niya ang matagal nang proyekto sa lugar.


Photo Courtesy: Rico Blanco | Instagram




Ito ay walang iba kundi ang pagtatayo ng isang malaking palengke para sa mga residente at turista ng La Union. “Can’t believe I’m now just counting the weeks (days??) til my ultimate dream project in Surftown LU @portsanjuan finally opens its doors to the community,” caption nito sa mga ibinahaging larawan sa Instagram.


Photo Courtesy: Rico Blanco | Instagram


Photo Courtesy: Rico Blanco | Instagram

Tinawag niya ang bagong negosyo na Port De San Juan at malapit lang ito sa may dalampasigan. Ilang taon din ang ginugol na oras ng singer at ng kaniyang mga business partners para sa pagpaplano kaya naman very dedicated siya sa project at hindi mapigilang maging emosyunal nang makita na tapos na ito at handa ng magamit ng publiko.


Photo Courtesy: Rico Blanco | Instagram

“Matagal ko pinangarap ‘to kaya pagbigyan n’yo na kung biglaang nag-photo shoot na lang ako dito para hindi maiyak,”, dagdag pa ni Rico.





Photo Courtesy: Rico Blanco | Instagram

Dahil dito ay marami ang humanga sa kaniya at namuo tuloy sa isipan ng marami na baka gusto na din niyang manirahan sa probinsiya kagaya ng halos karamihan sa mga kilalang celebrities.


Photo Courtesy: Rico Blanco | Instagram

Matatandaan kasi sa kaniyang mga interviews na gustong-gusto ni Rico ang dagat at nahihilig na din siya sa surfing. Samantala, hindi ito ang unang negosyo na itinayo ng singer dahil noong taong 2019 ay successful din ang itinatag niyang record label na tinawag na “Balcony Entertainment” sa ilalim ng Sony Music Philippines.


Photo Courtesy: Rico Blanco | Instagram

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang paglikha ni Rico ng mga kanta at mas inspired siya kumpara dati dahil na rin sa magandang takbo ng relasyon niya sa singer at aktres na si Maris Racal. Naging katuwang niya rin ito sa kaniyang dream project sa La Union.




Leave a Reply

Your email address will not be published.