Kilalanin si Sarah Wurtzbach ang napakagandang kapatid ni Beauty Queen Pia Wurtzbach

Sino nga ba ang makakalimot sa napaka-gandang pagkapanalo ng ating pambato sa Miss Universe na si Pia Wurtzbach? Halos buong bansa ay nakatutok sa coronation night noong 2015 lalo na at marami ang umaasa na si Pia ang makakasungkit ng korona. Hindi nga nabigo ang dalaga sa kaniyang pangarap at siya ang nag-uwi ng nasabing titulo.


Photo Courtesy: Sarah Wurtzbach | Instagram




Dahil nga dito ay mas nakilala si Pia lalo na sa kaniyang tagline na “confidently beautiful with a heart.”
Samantala, alam niyo ba na mayroong kapatid ang beauty queen na kagaya niya at ubod din ng ganda?


Photo Courtesy: Sarah Wurtzbach | Instagram

Siya ay walang iba kundi si Sarah Wurtzbach at pareho sila ni Pia na ipinanganak sa Stuttgart, Germany. German ang tatay nilang dalawa at Filipina naman ang ina na si Cheryll Alonzo Tyndall.
Sa ilang mga interview ay madalas mabanggit ni Pia kung gaano siya ka-swerte sa pagkakaroon ng kapatid na babae lalo na at parehas din silang mahilig sa make-up at fashion.


Photo Courtesy: Sarah Wurtzbach | Instagram

Halos hindi nga mapaghiwalay sina Sarah at Pia at aminadong nagkakaroon ng “sepanx” sa tuwing mayroong aalis sa kanilang dalawa. “Every-time we’re apart, heartbroken ako, parang I’m breaking up with someone. She’s my anti-depressant, she’s my happy pill.” kwento ni Sarah


Photo Courtesy: Sarah Wurtzbach | Instagram




Samantala, kahit nakababatang kapatid lang si Sarah ay para daw itong nagiging panganay minsan dahil sa kaniyang strong characteristics. Honest kasi ito at talaga namang prangka kung sumagot.
Si Sarah ang isa sa mga nag-inspire kay Pia para magpatuloy sa pageant kahit na ilang beses na siyang natatalo.


Photo Courtesy: Sarah Wurtzbach | Instagram


Photo Courtesy: Sarah Wurtzbach | Instagram

Sa katunayan lagi itong available kapag mayroong kailangan ang beauty queen. Ngunit pagdating sa mga lalaking nakaka-date ni Pia ay very strict naman si Sarah. Talaga namang kinikilala niya ito ng husto at mayroon pa ngang ginagawang background check. Hangad niya kasi ang the best para sa kapatid at ayaw niyang nakikita itong nasasaktan.


Photo Courtesy: Sarah Wurtzbach | Instagram


Photo Courtesy: Sarah Wurtzbach | Instagram

Samantala, kagaya nga ni Pia ay napaka-ganda rin ni Sarah at hindi rin biro ang kaniyang vital statistics na talaga namang hinangaan ng mga netizens. Marami nga ang nagsasabi na pwedeng-pwede rin itong sumabak sa pageant kagaya ng kaniyang ate Pia.




Leave a Reply

Your email address will not be published.